Chapter 42 "Ma'am hot oil with keratin?" Kung iisipin ni Maria kung bakit siya nakaupo ngayon sa salon na iyon imbis na nagtatrabaho pa siya ay hindi niya rin maunawaan. Kahit ilang beses niyang isipin kung ano bang ginagawa niya sa salon na iyon. Bakit ba siya bigla nalang nag half day sa jewerly store na pinagtatrabahuhan niya? Para lamang magpagupit ng buhok? "Ma'am?" Tanong muli ng parlorista sakanya. "A-Ah sorry. Sige gusto ko with keratin" Ngumiti ang parlorista sakanya na mas mapilantik pa ang mga daliri kaysa sakanya na isang tunay na babae. "Si ma'am may date ata oh? Naglalakbay ang isip mo ma'am kanina pa ah?" Biro sakanya ng parlorista bago nito umpisahang gupitan ang kanyang buhok. Mahaba na kasi masyado ang kanyang buhok kaya gusto niya iyong pagupitan ng hangang ba