Chapter 15 "Neng gising na huy!" Napainat ng kanyang kamay at mga paa si Maria ng yugyugin siya ni Ate Berna upang magising. "Ate inaantok pa ako.." "Inday may pasok ka ngayon. Malelate kana oy pasado alasiete na!" "Alasiete pa lang pala-Ano?!" Automatikong napabalikwas si Maria dahil sa sinabi ni Berna. Nataranta siya dahil sa sinabi nitong oras. Anak ng patis hindi ata tumunog ang alarm clock niya sa kanyang cellphone? Karaniwan kasi siyang gumigising ng alasais ng umaga dahil alas otso ng umaga ang pasok niya. Mabilis pa sa alas kwartong tumakbo siya sa loob ng banyo "Dahan dahan baka madulas ka nanaman neng!" Paalala sakanya ni Berna Nagmadali na siyang maligo at mag sipilyo. Paglabas niya ng banyo nandoon parin si Berna at nakataas ng kaunti ang kilay nito para bang may gu