"Get ready," Erhwin said and he signaled to us that he would be the first to enter inside the building and we would be next. Maghahating gabi na kaya naman hindi kami kaagad mapapansin. Hawak ko rin ang sarili kong baril. Sa mahigit isang buwan kong nakasama ang grupong ito ay marami na silang naituro sa akin. Gaya na lang ng paghawak ng baril. Itinuro din nila sa akin ang iba't ibang klase ng baril. Mga matataas na kalibre ng baril na ginagamit sa iba't ibang uri ng operasyon ng mga pulisya at ganoon na rin ng isang gaya namin as an agent. Ipinakilala nila ako sa nakatataas na General bilang anak din ng isang magiting na lieutenant na nagbuwis ng buhay para sa kapakanan at kaligtasan ng iba. Isinabak nila ako sa training, sa paghawak ng baril na madali ko rin namang natutunan lalo na'