WARNING SPG! BAWAL SA MGA MARURUMI ANG ISIP. KUNG MASELAN, HUWAG NANG TUMULOY! "You're not that obvious. Enjoy na enjoy ka sa party na 'to, eh? Kailangan pang may gano'n?" sarkastikong tanong ni Erhwin na siya na ngayong kasayaw ko. Ang sungit. "Anong gano'n?" inosente kong tanong. "Tss," singhal niya naman sa akin. "Don't tell me, you're jealous? Tsk. Sabi ko na nga ba, ikaw 'yong may gusto sa akin eh. Ako pa 'yong pagbibintangan mo," nakangisi kong sabi sa kanya. "Why am I? To the highest level yata ang confidence mo, Miss." "Because it's too obvious, I'm so beautiful and we're not bagay. Hahaha." Hindi naman ako mayabang. Inaasar ko lang naman siya. "So, meaner ka na din at ayusin mo nga 'yang pag-e-english mo. Para kang katulad noong mga bully dito sa campus, mean girls ba 'yon?