Matapos ang kasal sa simbahan ay nagdiretso kami sa exclusive restaurant nila kung saan ang venue ng kasal. Sa itaas nito ay ang mamahalin din nilang hotel dito sa Venice BGC Taguig. Sinunod pa rin namin ang tradisyon sa aming probinsiya sa tuwing ikinakasal kahit dito sa Manila ginanap. Nag-fireworks muna sila habang palapit na ang aming sasakyan sa venue. Pagdating namin ay nagsabog ng bigas na may mga kasamang barya. Nagsubuan kami ng cake at uminom ng red wine habang naka-cross ang aming mga braso. Nagpalipad kami ng two love birds. Kumain muna kaming lahat tapos ay sumayaw ng sweet sa gitna ng venue habang may tugtog na mga love songs. Sinasabitan nila kami ng mga papel na pera sa aming mga suot gamit ang pin. Sa palibot ng venue ay ang mga tables, nagkalat ang mga heart shape ba