Third Person' Pov Bakas ang malalim na pag-iisip ni Lewis hanggang makauwi ng resthouse hindi maalis sa isip niya ang sinabi ng babaeng nag-pakilalang Irish. Ahri? Asawa? Yan ang paulit ulit na itinatanong niya sa sarili. Parang gusto niya tuloy harapin si Attorney Chavez at sagutin ang mga tanong na bumabagabag sa isipan niya. May kutob siya sa posibleng tinutukoy ni Irish ngunit ayaw nyang tanggapin at paniwalaan. Pumasok siyang kwarto naabutan ang nobyang mahimbing na ang pagkakatulog hindi niya namalayan na ginabi na talaga siya. Gusto niyang pagsisihan na umalis pa kanina pero kinailangan nya yun para harapin ang taong nahuli ng grupo niyang spiya. Ngunit kung hindi sana na sayang ang oras nila ni Aria para pasyalin ang buong Tagaytay. Kinumutan niya ang nobya saka dinampian ng h

