MOMACK 'POV "Ganda mo," napangiti ako sa sinabi ni Lewis. "Bolero ang putsa!" sabi ko at pinapatuloy ang pamimitas ng strawberry. Nasa isang strawberry farm kami ngayon ni Lewis dito sa Baguio. "Picturan kita d'yan babe! Dali pose!" Natawa ako sa kanya. Ang cute kasi ng walangya. Itinapat niya sa'kin ang hawak na camera at ako naman na si uto-uto. Nagpose nga. "Ayan! Ang ganda ng asawa ko grabe!" "Daldal mo!" pakunwareng inis na sabi ko kahit ang totoo, sa loob ko ..kinikilig ako. Tumawa siya at lumapit sa'kin. "Mukha kang di palamura dito babe, ang amo kasi ng mukha mo!" Ipinakita niya sa'kin ang kuha niyang picture. Mukha nga akong inosente doon at di palamura saka mamatay tao. Sobrang iba sa feeling, itong lahat. Nakakanibago talaga, hindi ako sanay. Kahit masaya ako ngayon...

