Lewis'Pov "Where have you been?" Inis na bungad ni Aria na nasa harap ng condo unit ko. "I've been waiting here for almost 1 hour! My god Lewis!" Galit na sabi niya habang masama ang tingin. Bagay na hindi ako sanay. Nakakapanibago, parang kahapon lang niya nalaman ang totoo tapos ngayon, biglang iba ang ugali niya. Masaya akong malaman na kami pa, na bumalik pa rin siya sakin pero hindi ako sanay sa ganang dating niya. Nagpunta siya kanina sakin na umiiyak, pansin ko agad may bakat siyang pasa sa pisngi, sinabi niya saking sinaktan siya ni Momack. Na di ko alam kung bakit, basta sinabi niya saking sinugod siya nito at biglang sinaktan, ang labo man, pero dahil unang beses ko siyang nakitang ganon ay nagalit ako kay Momack kaya pinuntahan ko siya sa school at hindi ko naman sinasadya

