Drew 'Pov Tahimik kong nilalakad ang hallway papuntang opisina ni Bigboss. Pinapatawag niya ko dahil kay Momack mag-iisang linggo na rin siyang hindi napapadalaw sa opisina ni Bigboss. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng opisina ng matigil ako sa narinig ko mula sa loob. "Wag nyong aalsin ang mga mata nyo kay Lewis at Momack kung kinakailangan takutin nyo siya gawin nyo" dinig kong utos ng pamilyar na boses. Hindi ako maaring magkamali si Bigboss yun. Pero bakit? Anong meron kila Lewis at Momack? Dahil sa pagtataka ko ay nanatili akong nakatayo dun imbis na umalis. "Ginagawa na namin ang lahat master.." "Mabuti, siguraduhin nyong alam nyo bawat kinikilos nila lalo na ngayong kompiramadong alam na nilang mag-asawa sila" Para akong nabingin sa huling narinig ko mula kay Bigboss. Pa

