Drew ' POV Kanina ko pa tinitignan si Aria habang natutulog na ito ng mahimbing. Sa sobrang kalasingan nito ay hindi ko na siya nagawang iuwi sa kanila dahil tiyak na magagalit ang ama nito kapag nakita kong gaano ka-wasted ang anak. Dinala ko si Aria sa pinaka-malapit na hotel. "L-lewis..." napatigil ako sa paghaplos ng kanyang buhok sa narinig. Gumalaw ang ulo ni Aria habang tinatawag ang pangalan ni Lewis kasabay nun ang pagtulo ng mga luha niya. Kumirot ang dibdib ko, hindi ko itatanggi na masakit sa 'kin na makitang malungkot at nasasaktan si Aria. Gayunpaman hindi ko pa rin kaya ang gusto n'ya. Oo may nararamdaman ako para sa kay Aria. Pero hindi ko kayang sayangin ang lahat at traydorin si Momack sa huli. Hindi ko kayang patayin ang taong tinuturing kong kaisa-isang pamilya. K

