LEWIS'POV "Hindi ko napigilan eh" Ilang beses yang nagpaulit-ulit sa pandinig ko na parang sirang plaka! Nakakainis! Para akong nababaliw na hindi ko maintindihan. Isang araw na ang nakalipas mula ng mangyare 'yun at hindi ako pinatulog ng halik na ginawa niya dahil sa kakaibang epektong dinilot nito sakin. Hanggang ngayon ramdam na ramdam ko ang mga labi niya! Sorry Aria! Flash back "M-may sapi ka ba?!" Nauutal ko paring tanong at hindi makapaniwala. Bigla bigla ay sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi niya. Napalunok ako ng unti unting lumapit siya sakin dahilan mapaatras ako ngunit tumama ang binti ko sa sofa. Wala nakong aatrasan. "A-ano ba Momack!" Inis na sabi ko, lalo siyang ngumiti ng mapang-asar ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. "Ano bang nangyayare sayo!"

