TRISTAN 'POV
Literal na napamura ako nang makita kong duguan at patay lahat ang tauhan ko.
And where's Momack? Na kaya n'ya lahat ng tauhan ko? Ibang klase talaga ang babaeng 'yon, nahuli lang ako sandali at ito na maabutan ko?
Magaling ha. You will pay this Momack! Mananagot ka!
Naglakad na ako pabalik ng kotse. Lintek lang ang walang ganti sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa mga tauhan kong wala ng buhay saka ako nagmaneho paalis.
LEWIS'POV
"Siguradong nag-uusok na sa galit si Tristan," lokong sabi ni Ivan at nag tawanan kaming lahat.
"Ayos din ang trip natin diba, si Momack sana ang makikipagtuos sa grupo ni Tristan pero tayo ang dumating," sabat naman ni Jet.
Natawa naman ako at umiling-iling. "Paniguradong si Momack ang pag-iinitan ni Tristan," nakangising sabi ko habang iniisip si Momack.
"E'di ayos pala Lewis! Ganti mo na rin yun sa ginawa n'ya sa 'yo," sabi ni Kurt at tinuro pa ang sugat ko sa pisngi.
Nakakainis. Naalala ko na naman!
"Bossing, dapat sigurong magcelebrate tayo at napatumba natin ang grupo ni Tristan," sabi naman ni Niel kaya napatingin ako sa kanya.
"Dapat lang! Dahil tagumpay tayong gabi," nakangiti kong sagot.
"Nice boss!" tuwang tuwang sabi ni Ethan.
"Bar tayo boss daming chicks dun," sabat ni Jet at kinindatan ako. Babaero nga naman.
"Teka lang diba si Momack 'yon?" biglang sabi ni Kurt habang nakaturo sa direksyon ni Momack.
Sabay sabay naman kaming napatingin. Nasa loob ito ng sasakyan n'ya at mukhang may kausap na lalaki.
Biglang uminit ata ulo ko. Nag fla-flashback yung ginawa sa'kin ng babaeng yan. Demonyong 'to.
Hindi ko na malayan na may hawak na akong baril at nakatutok na ito sa direksyon n'ya.
"Dude, easy ka lang wag padalos dalos," awat sa 'kin ni Kurt at tinignan ko lang s'ya ng masama.
Saka ko kinasa yung baril, chance ko na 'to para mapatay si Momack.
Bang!
P*tang*na sala.
Biglang umandar yung sasakyan niya! Nakaligtas pa nga!
Lagi na lang akong naiisahan!
Siguro ramdam nyang may nakatutok sa kanya, nasa dilim na nga kami nitong mga kasama ko.
Tindi din talaga ng paningin niya kahit sobrang dilim nakikita pa niya. Ibang klase talaga kapag may sa demonyo kang nilalang. Nakikita mo ang lahat.
"Okay lang yan boss," sabay tapik sa balikat ko ni Ivan.
"Tara sundan natin," seryosong sabi ko sa kanila.
Sumakay na kaming motorbike at sinundan namin yung sasakyan ni Momack.
Sabay sabay kaming napatigil sa isang bar. Bakit naman dito tumigil?
"Boss mahilig din pala si Momack mag bar," asar na sabi ni Ivan pero hindi ko na ito pinansin at mas pinukaw ko ang tingin ko sa direksyon ni Momack
Nakakapagtaka ang tagal nilang bumaba.
MOMACK' POV
"Dumating ka pa," bungad ko sa kanya pagkabukas ng pintuan ng kotse ko at pumasok.
"Pasensya na boss," nakatungong sabi nya ng makaupo sa tabi ko. Napairap na lang ako. Badtrip na Japan ngayon pa! Walang nangyare tuloy.
"Balita?" tanong ko sa kanya.
Gusto ko malaman kong anong nangyare sa grupo ni Tristan.
"Patay lahat."
Nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko. What? Paano nangyare 'yon?
"May lead ka ba kung sino gumawa nun?" tanong ko pa.
"Grupo ni Lewis boss."
Talagang umepal pa ang grupo ng gag*ng yon? Masyadong pabida.
"How about Tristan?"
"Mga tauhan n'ya lang boss ang patay at hindi sya kasama," sagot ni Drew, nag-iisa kong tauhan bigay siya sa 'kin ni Bigboss at malaking pakinabang ko sa kanya.
Napaisip naman ako na may chance pa pa lang magharap kami ng hayop na si Tristan. Pero sa pagkakataong ito mas madali ko na siyang mapapatay ngayon pang ubos na ang mga tauhan n'ya.
"May problema ba?" biglang tanong ko kay Aquiro nang mapansin kong kanina pa sya parang may pilit na inaaninag mula sa likod ko.
"Boss, may nakatutok na baril sa 'yo," seryosong sabi nito habang nakatingin pa din sa likod ko.
Hindi naman ako kinabahan dahil sanay na ako sa ganitong sitwasyon, yung may nagtatangkang patayin ako.
"Grupo ni Lewis," dagdag pa niya. Napangiti naman ako sa narinig ko trying to kill me huh? Lakas ng loob.
Umayos ako sa pagkakaupo at saka nag-salita.
"Get ready." Sign. Para magseatbelt siya.
Mabilis pa sa alas kwatrong pinaandar ko ang kotse.
Moron sabi ko sa sarili ko habang iniisip si Lewis akala niya siguro madidispatsya na niya ko. Sorry, White hindi pa kasi na iisilang ang taong papatay sa 'kin.
Huminto naman ako sa isang bar. Alam kong nakasunod ang grupo ni Lewis sa 'min. Kilala ko ang mga galawan ng h*yop na yon hindi sya papayag na hindi makakaganti.
Hindi talaga nadadala.
"I believe in you Momack, but make sure you will kill Lewis. I want that asshole to get out of my daughter's life. "
"I will boss trust me" sagot ko kay Bigboss.
"Sure, I'll give you more time just make sure gagawin mo pinapagawa ko kung hindi ako mismo makakalaban mo," sabi nito at umalis na kasunod ang mga tauhan n'ya naiwan naman akong nakatingin sa kanila na naglalakad papalayo.
Naalala kong kailangan ko nga pala siyang patayin.
Pero sa totoo lang may kakaiba akong nararamdaman kapag tipong hawak ko na si Lewis at puputok ko na lang yung baril sa ulo n'ya at siguradong patay sya pero palaging hindi na tutuloy dahil sa pesteng nanalaytay sa 'king pakiramdam kaya hanggang ngayon wala akong maplano kung paano ko siya papatayin.
Maraming pagkakataong naramdaman kong may pumipigil sa 'king tuluyan siya at hindi ko alam kung bakit kailangan ko yung maramdaman at kung para saan.
Marahas akong napahinga. Stop it Momack! Remember your plans. You want to be part of Mafia, right? Then stop thinking nonsense people and just focus.
LEWIS' POV
"Boss tara na," naiinip na sabi ni Ethan.
"At kailan ka pa natutong umatras Ethan?" tanong ko dito at binigyan nang masamang tingin.
Magkakalahating oras na kaming nag aantay nang bumaba sina Momack.
Ano bang plinaplano ng babaeng 'yon? Nakakairita na ha. Nakakaubos pasensya.
"May nakakakilala ba sa inyo dun sa lalaking kasama n'ya?" tanong ko sa kanila na halatang mga naiinip na.
"Wala boss eh," si Jet ang sumagot.
"Baka boyfriend niya boss," nakakalokong sabat ni Ivan at nagtawanan sila.
Kahit kailan talaga!