Chapter 10: Worries REEVE LUCAS' P.O.V Agad lang akong natauhan ng ma-realize ko ang huling sinabi ni Carina bago siya tuluyang umalis at wala man lang akong nagawa para pigilan siya ulit. Alam ko kasi na hindi na siya papayag na bumalik sa party lalo na't alam ko rin na galit siya sa akin at sa mga taong nang insulto sa kanya. Napahilot na lang ako sa sintido ko saka nagpasiyang bumalik sa loob ng venue. Hindi ko rin mapigilan na makaramdam ng guilt ng maisip ko kung gaano kahirap kay Carina ang ginawang pagtrato sa kanya ng kamag-anak namin at nang mga kaibigan ko. Hindi ko rin naisip kanina na nao-out of place na pala siya. Palagi ko siyang napapansin nitong nakaraan kapag mukhang kinakabahan o may gumugulo sa kanya pero kanina ay hindi ko man lang siya nagawang pansinin. Sig