Chapter 18: Separation? THIRD PERSON'S P.O.V "Please, believe me, Lucas..." Kara said. Napapikit nang mariin si Reeve saka nag-igting ang panga niya dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Bukod pa dun ay hindi rin niya magawang paniwalaan ang sinasabi ng babae sa harapan niya. Kaya naman mabilis itong tinulak palayo ni Reeve. Nasasaktan man siya na makita rin itong umiiyak ay hindi magawang magpalinlang ni Reeve sa itsura nito. Hindi kasi makalimutan ni Reeve ang sakit ng pagkawala ni Kara kaya hindi niya basta-basta matanggap ang sinasabi nito na buhay nga talaga si Kara. "Kahit anong gawin mo ay hindi ako maniniwala sa sinasabi mo. Maniniwala lang ako sa sinasabi mo kapag napatunayan ko na hindi n'yo kinuha ng kasabwat mo ang kabaong ni Kara na nilibing namin sa lugar na 'to! Ha