Chapter Seventy-six "Wife?" agad akong nagmulat ng mata nang narinig ko ang tinig ng asawa ko. Nang nakita kong gising na ang asawa ko ay mahigpit kong niyakap ito. "Rusco, Diyos ko! Tinakot mo ako kagabi," mahinang bulalas ko rito. "Garrie, we need to talk. Sino iyong lalaking tumawag sa 'yo? Sino iyong kausap mo kagabi?" "M-asamang tao iyon, Rusco. Gusto niyang lumayo ako sa 'yo. Huwag ko raw sabihin sa inyo... pero mas tamang malaman mo. Hindi ko kayang mag-isa ito. Wala akong laban doon. Gusto niyang lumayo ako sa 'yo para hindi ka mapahamak. Kung hindi ko raw gagawin ay---" "Hindi ka lalayo sa akin, Garrie. Hinding-hindi tayo susunod sa taong iyon. Putangina niya! Nanggugulo na naman!" galit na sigaw ni Rusco. "N-anggugulo na naman?" ulit ko sa sinabi nito. "May kinalaman di