Chapter 142 Carrie Para akong nakakita ng multo paglabas ko ng bahay. Nasa labas kasi si Nomnom na sobrang dusing at mukhang pagod na pagod. "I'm back, Ate Carrie. Bakit mo ako iwan doon? Ang layo ng lakad ko... habol pa kita, ate. Hindi ka stop car!" "Putangina! Anong ginagawa mo rito?" hindi ko napigilang hiyaw. "Dito house ko. Uwi ako rito." "Nooo! Nandoon ka na kay Ate Garrie bakit ka pa umalis?" frustrated na bulalas ko kay Nomnom. Para itong buhay na karma, hindi ako nilulubayan. "Hindi ko siya kita roon," parang batang sagot ng lalaki sa akin. Napasabunot ako sa buhok ko. Stress na tinitigan ito. "Umalis ka!" "No... dito ako tira sa house na ito. Ayaw ko sa streets." "Hindi ka belong dito. Anak ka lang naman sa labas ng mommy ko. Umalis ka na---" "Hihi! Ikaw nga hi

