Chapter Forty-three Carrie Del Pietto: "Sagutin mo ang tawag ko, Garrie. Huwag mong ubusin ang pasensya ko dahil talagang malilintikan ka sa akin." Carrie Del Pietto: "Update me kung ano ang nangyayari d'yan, Garrie. Boyfriend ko iyan! Dapat kong malaman kung ano ang nangyayari sa kanya." Carrie Del Pietto: "Please! Maawa ka sa akin. Para na akong nasisiraan ng bait dito. Hindi na ako makapag-focus sa trabaho." Carrie Del Pietto: "'Bal." Me: "Nasa capitol. Busy. Call him at dumerekta na sa kanya." Carrie Del Pietto: "'Bal, may problema ba tayo?" Sunod ay tinawagan ako nito. Sinagot ko naman agad. "Wala tayong problema, Carrie," cold na sagot ko sa kakambal. "Hindi ka ganyan, Garrie. Ngayon ba'y nagbabago na ang isip mo about sa marriage? Ayaw mo na ba? Kaunting tiis lang, Gar