Chapter 114 "I'll do everything to get that man. I want Rusco Claverra. Hindi ako papalpak. Wala akong pakialam kung may asawa siya at mga anak. Aagawin ko siya. Don't worry hindi ko nakakalimutan ang mga utos mo sa akin---" tumikhim ako. Inabutan ko si Melody sa rest room ng hotel na kinaroroonan namin. Nasa beach ang mag-aama ko at nagpaalam ako saglit para magbanyo. Agad ibinaba ng babae ang phone na parang gulat na gulat siya. Bago pa nakaharap sa akin ay hinila ko na ang buhok niya at ipinasok sa isang cubicle. Bago pa makapalag ay inginudngud ko na ito sa toilet. Malinis naman iyon pero toilet pa rin iyon. "Ouch! Let me go!" maarteng ani ng babae. "Malandi ka! Hindi ka talaga titigil?" sigaw ko rito. "Sa tingin mo ba'y mananahimik lang ako't hahayaan kang sirain ang pamilya ko?" i

