Chapter Ninety-three "Ito ang mga names na naisip ko, ma'am," iniabot ni Sassy sa akin ang papel na maayos na nakatupi. Nandito na ako sa private room. Ang kambal na sanggol ay himbing na natutulog sa kanilang bassinet. Kaya rin mahina ang tinig ni Sassy no'ng lapitan niya ako. First time atang ganito ito magsalita. Tinanggap ko iyon at binuklat. Bahagya akong natigilan, parang may mainit na bagay na humaplos sa puso ko pagkakita ko sa nilalaman ng papel. Dalawang pangalan para sa baby girl at baby boy namin ni Rusco. "Garrin Rusco Claverra... Garielle Rusca Claverra..." mariin akong napalunok pagkatapos bigkasin ang mga pangalan ng kambal. "Nagustuhan mo ba, ma'am? Ang cool ko bang mag-isip?" ani nito na ngising-ngisi sa akin. "Magkano ang ibinayad niya sa 'yo para magpaubaya ka sa s

