Chapter 144 "Marami ang nagsasabi na mga fan na nasa sa 'yo na ang korona. Ikaw na ang Reyna. Ikaw na ang pinakasikat. Sa pagdating mo raw ay pinatalsik mo na si Garrie. Ano ang masasabi mo?" isa na naman guesting ni Melody ang pinanonood ko. Perfect timing lang naman ang kailangan ko, at alam kong nalalapit na iyon. "Naku! Baka may ma-offend na naman at ingudngud na naman ako sa toilet bowl ha," mahinhing biro ni Melody sa host at pareho pa silang tumawa. "Well, wala naman akong pakialam kung may ma-offend. Kung masama ang ugali... deserve!" ani ng host. Kilala naman ito sa pagiging pranka at matabil na bibig kaya hindi na ako nagulat pa. "Well, ang sagot ko naman sa tanong mong iyan... hindi ko alam. Ang importante sa akin ay marami akong napapasaya. May trabaho ako at bumubuhos tala

