Chapter 123 "Nagwawala si Melody sa parking lot ngayon," imporma ng secretary ni Rusco sa akin. Tapos na akong maglinis ng katawan. Ready na ngang umuwi. Patapos na ang mini concert. Nagpapasalamat na iyong mga official sa mga dumalo at nakisaya. Si Rusco ay nasa stage rin. Kaya si Aya ang kasama ko rito sa office ng asawa ko. "Let's check?" tanong ko sa babae na agad namang tumango. Paglabas namin sa office ni governor ay dumeretso kami sa elevator. Paglapag no'n at pagbukas ay bumungad sa amin si Melody na paulit-ulit na sinipa ang gulong ng service nila. "Putangina! Plinano niya ito!" hiyaw ng babae. Walang ibang tao sa part na ito dahil for officials lang and important guest ang pwede sa parking lot na ito. "Ma'am, alis na po tayo. Kumalma ka. Baka may ibang makakita sa 'yo at

