Chapter 140 "He's perfectly fine, Garrie." Iyon ang sinabi ni Rusco sa akin. "He can stay here para makilala rin siya ng mga bata." Sinulyapan ko si Nomnom na kumakain ng hapunan. Dahil sa gamot na pinainom ni Carrie sa kanya ay medyo nanghihina raw siya. Sobra na talaga si Carrie. Pati kapatid namin ay handa niyang gamitin para lang sa paghihiganting hinahangad niya. "Pabalikin mo na sina Sassy rito," ani ko na agad nitong ikinatango. Nang iwan ako ng asawa ko ay nilapitan ko si Nomnom. "Gusto mo pa ba? May gusto ka pa bang kainin?" tanong ko sa kapatid na ngumiti at umiling naman. Mukhang kontento na ito sa pagkaing inihain sa kanya. "Pinakuha ko na ang mga bata. Ipapakilala kita sa kanila," napahinto ito sa pagkain at tumingin sa akin. "T-alaga? M-atatanggap kayo ng mga pamangkit ko

