Chapter Eighty-nine 1 "Calm down, Rusco," utos sa akin ng babaeng kararating. Sa demanding na tinig nito ay gumawi rito ang tingin ko. "Iyang ganyang behavior ba ang nais mong makita ni Garrie?" pagkarinig ko sa pangalan binanggit nito ay unti-unting kumalma ang pagtaas at baba ng dibdib ko. "Garrie," mahinang bulalas ko at nanlumong napasalampak sa sahig. Lumakad ang babae patungo sa couch. Hindi alintana ang mga nagkalat na gamit na parang halos linggo-linggo ay napapalitan dahil sa ginagawa kong pagwawala. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Nag-unahan ang luha sa pagpatak. "Maupo ka rito!" ani ng babae nang nakita niyang nakasalampak pa rin ako sa sahig. Pinilit kong bumangon at lumakad patungo sa couch. "A-talanta?" "Tapos na ang problema mo sa taong iyon, Rusco. Tinapos na na

