Chapter 151 - Gabriella Paralisado. Walang maalala. Hindi rin makapagsalita no'ng nagising ako sa isang kubo. "Ikaw si Ela," ani ng lalaking matiyagang nag-alaga sa akin. "Ako si Johny... asawa mo." Asawa pero hindi ko maalala kung asawa ko ba talaga siya. Isa siyang magsasaka. Sa paanan kami ng bundok naglagi ng tatlong dekada. Hindi ko alam kung may chance pa ba akong gumaling. Nakuha kong makalakad ngunit hindi makapagsalita. Nakuha kong gumalaw-galaw after 2 years, pero hindi bumalik ang mga alaalang nawala. Nakontento ako sa piling ni Johny. Payapa ang buhay namin sa paanan ng bundok. Kaming dalawa lang. Hindi nabiyayaan ng anak. "Misis kong maganda, narito na ako!" dali-daling lumabas ako ng kusina. Nang nakita ko ito ay agad akong tumakbo palapit at niyakap ito. "Kumusta a

