Chapter Seventy-eight "Sabihin mo sa akin... bakit hindi ako pwedeng sumaya? Anong kasalanan ko sa inyong lahat para hadlangan ninyo ang kasiyahan ko?" "Doll, kailangan bang may dahilan? Hindi ba pwedeng ikaw lang ang napili kong paglaruan?" saka ko narinig ang nakakainsultong tawa nito. "Alam kong mahal mo na ang gobernador... may nakapagsabi sa akin. Hindi ka dapat umibig, hija. Kaya kailangan mong iwan ang lalaking iyan o papatayin ko iyan. Hindi ka pwedeng makatanggap nang pag-ibig mula sa mga taong iyan. Bibigyan lang kita ng isang linggo... leave or I'll kill him." "Stop!" hiyaw ko rito. "Stop! Ang damot-damot ninyong lahat sa happiness ko." "Damn! Habang naririnig ko ang iyak mo... nagagalak ang puso ko, doll. Ganyan ka rin umiyak noon. Sobrang lakas. Hirap na hirap. I'm so s