Chapter Fifty-eight Seryoso ang expression na pumasok ako ng kwarto ni Carrie. Nakasunod si Sassy na dala ang tray. Dito maglu-lunch si Carrie sa kwarto. Hindi pa rin ito allowed na lumabas. "G-arrie?" ani ng babae. "Ilapag mo sa table ang tray, Sassy. Saka mo kami iwan," utos ko sa babae na agad namang tumalima. Nang kami na lang ni Carrie ang naiwan ay walang takot na tinitigan ko si Carrie. Parang biglang nabahag ang buntot dahil lang sa isang sampal. "How are you? Natauhan ka na ba sa inugali mo kanina?" lumakad ako patungo sa kama at naupo. "Alam mo ba kung bakit ko ginawa iyon?" "Sinaktan mo ako... makakaabot iyon kay mommy." "Go on, Carrie. Isumbong mo kina mommy kung ano ang ginawa ko sa 'yo at kung bakit ko ginawa iyon." "Hindi mo pa rin dapat ako sinaktan! Wala ka ring