Chapter Sixty-six Maagang umalis si Rusco. Tambay lang na naman kami ni Sassy sa gazebo habang kumakain ng pinya. "Alam mo, ma'am. Napapaisip ako. Sobrang love ng kakambal mo ng fame, naisip ko lang... baka siya iyong nag-tip sa tsimosang naglapag ng blind item para focus pa rin sa birthday party niya ang mga tao. Tipong clout chaser ba iyon... baka lang ha, baka kahit siya pa iyon ay ilalabas pa rin niya as blind item para trending pa rin." Napaisip ako. May point si Sassy. Kilala ko ang kakambal ko, pati na rin ang mommy, at ang manager na humahawak kay Carrie. Gano'n din sila mag-isip, kapag feeling nila ay may maga-gain sila. "Ma'am, magkaiba siguro kayo ng bakuna at gatas ng kakambal mo 'no no'ng baby kayo? Magkaibang-magkaiba kasi kayo. Kinakain na siya ng fame, ma'am. Buti na lan