Chapter Forty "Garrie, pwede pang magbago ang isip mo," nandito kami sa taas ng falls. Ready na akong tumalon, habang ang gobernador ay kabado. Hindi para sa safety niya, kung 'di para sa safety ko. "Tatalon na ako, Rusco. Ayaw kong may pagsisihan sa huli." "Fine, wife. Ako muna para kapag tumalon ka'y makaantabay ako sa 'yo." "Sige, Rusco. Ingat ka. Huwag mo akong gawing balo---" "Garrie, don't say that!" parang natakot tuloy itong tumuloy. Napahagikhik lang ako kasi sobrang cute ng reaction nito. "Talon na. Ipagpra-pray kita," at napa-sign of the cross si Rusco bago siya tumalon. Ako pa iyong napatili. No joke rin naman kasi ang taas nito. Nang bumagsak sa tubig ang lalaki ay ilang segundo rin ito sa ilalim. Nang umangat ay agad itong tumingala at nag-thumbs up sa akin. Now it's