TUMAKBO si Maya pabalik kay Yoshin at nagtago sa likuran nito. Pilit siyang inaabot ng aso kaya natataranta na siya. Tahol ito nang tahol sa kan’ya, galit na galit.
“Hey! Stop!” saway ni Yoshin.
Hindi niya alam kung sino ang sinasaway nito, ang aso ba o siya. “Your dog! He will bite me!” sigaw niya.
Pilit pa rin siyang sinusunggaban ng aso. Dahil sa paglilikot niya sa likuran ni Yoshin ay nakalas ng kamay niya ang tuwalyang nakabalot sa ibabang katawan nito.
“F*ck!” bulalas ni Yoshin.
Napatili naman siya nang makita ang matambok na puwet ng binata. Wala pala itong brief. Lalo itong nagalit at pinulot ang nahulog na tuwalya, pinangwasiwas sa aso.
“Stop, Cocoro!” gigil nitong saway sa aso. “Set down!”
Tumigil naman sa pagkahol ang aso at umupo sa sahig pero sinisilip pa rin si Maya. Sumilip din siya habang nagtatago pa rin sa likuran ni Yoshin. Mabuti naibalik na ng binata ang tuwalya sa katawan nito.
“Hello, Cocoro! I’m Maya. I’m your new friend!” kausap niya sa aso habang kinakawayan.
Tumahol nang isang beses ang aso pero galit pa rin.
“He will behave later. Don’t run so he won’t chase you,” ani Yoshin.
“Nako! Baka bigla akong kagatin. Sa laki niyan, baka maubos ako.”
Hindi umimik si Yoshin at nilapitan ang aso. Pagkuwan ay kinausap nito ang alaga. “Don’t do stupid things, or you will sleep outside and have no food for one week,” sabi nito sa aso.
Tila nakaintindi ang aso at umingos, umamo rin ang mukha.
“Follow me in the kitchen, Maya,” pagkuwan ay sabi ni Yoshin.
“Wait. Ipasok ko lang ‘tong maleta ko sa kuwarto,” aniya.
Nang maipasok sa kuwarto ang kan’yang maleta ay patakbo siyang sumunod kay Yoshin. Namangha na naman siya nang makita ang loob ng kusina. Puro stainless ang gamit doon, malawak ang lababo, may gas at electric stove, oven. Malaki ang ref nito na dalawa ang pinto.
“Bake the tuna belly, but marinade it first with lemon extract and soy. Put some herbs and spices, too,” turo nito. Nagsulat ito sa malaking sticky note at idinikit sa stainless na lamesa. “I want rice, but the brown one. Just steam them with chicken stock and pepper salt.”
Napangiwi siya. Mabuti na lang may alam din siya sa terminology na ginagamit sa kusina. Italian cuisine was one of those famous cuisines in the restaurant. Kahit sa school of culinary ay tinuturo ito.
Binasa niya ng sulat ni Yoshin. In fairness, maganda ang penmanship nito, mas maayos kaysa kan’ya.
“Do you know what to do, Maya?” tanong ni Yoshin.
“Yes, sir!” magalang niyang tugon.
“Don’t overcook the fish. I’ll take a bath.” Lumabas na ito.
Hinabol pa niya ito ng tingin. Lalapit pa sana siya sa pintuan ngunit biglang pumasok si Cocoro. Tumahip na ang dibdib niya sa kaba at napaatras.
“Don’t bite me. I will give you food,” kausap niya sa aso.
Umingos lang ito. Naawa naman siya nang mapansing sumulyap ang aso sa malaking karne ng isda na hawak niya. Nababalot pa ito ng plastic pero malambot na.
“Are you hungry?” tanong niya.
Muling umingos ang aso. Nagutom na marahil ito. Iniwan muna niya sa lababo ang isda at hinanap ang pagkain ng aso. Binuksan na niya lahat ng cabinet sa ibaba ng lababo. Nakatiyamba siya ng isang latang dog food na maliit.
Nagulat siya nang biglang lumapit sa kan’ya ang aso at suminghot-singhot. “Ito ba ang food mo?” tanong pa niya.
Tumitig lang sa mukha niya ang aso.
“Wait. I’ll open it.” Easy open ang lata ng dog food kaya nabuksan kaagad. Hinanap pa niya sa labas ng kusina ang plato ng aso. Natagpuan niya ito malapit sa laundry room. “Here you are.”
Itinaktak niya sa stainless na plato ng aso ang dog food. Nakatingin lang sa ginagawa niya si Cocoro.
“Eat now,” aniya.
Tumahol nang isang beses ang aso bago sinunggaban ang pagkain. Nagutom na nga ito. Mukhang hindi ganoon ka-hands-on si Yoshin sa pet nito. Hinipo niya sa ulo ang aso.
“Don’t worry, since I am here, you will never skip a meal. Be nice to me, Cocoro,” sabi niya.
Binalikan din niya ang trabaho sa kusina. Alas-nuwebe na ng gabi roon at humihilab na rin ang kan’yang sikmura. Ibinabad na niya sa sangkap ang buong tuna belly na may isang kilo mahigit. Pink tuna ito at malambot. Fifteen minutes lang niyang ibinabad ang tuna bago ipinasok sa oven.
Nangangapa naman siya sa pagluluto ng brown rice. May naka-reserve palang chicken stock sa ref na nasa babasaging garapon, may nakasulat pa sa labas. Isa itong sabaw mula sa pinakuluang karne at buto ng manok na may konting timpla ng herbs at spices. Ginagamit din ito sa mga restaurant para sa soup o sauce ng kahit anong chicken recipe.
Kakaiba ang rice cooker ni Yoshin. May tubig ito sa ilalim, parang double boiler pot. Nakalagay sa listahan na kailangang ibabad ang bigas sa chicken stock at timplahan ng herbs and spices. Fifteen minutes din itong ibababad hanggang ma-absorb ang konting sabaw. Saka ito ilalagay sa manipis na tila kaserola na merong stainless pinong net na ilalim. Ipinatong lang niya ito sa steamer na may malalaking butas, at ang singaw ng kumukulong tubig ang magluluto sa kanin.
“Ang weird naman ng lutuan na ‘to,” usal niya nang maisalang ng nababad na bigas. Nagligpit na siya ng kalat.
Hindi siya nakatiis at nanginain ng prutas na nasa ref. Napagkamalan pa niyang mansanas ang malaking kamatis na hugis apple. Habang hinihintay maluto ang ulam at kanin ay nag-explore siya sa kusina. May pintuan sa gilid ng lababo. Nang buksan niya ay extension pala ito ng kusina pero ang kalahating dingding ay makapal na net kaya makapasok ang hangin mula sa labas. Merong grill doon na ginagamitan ng uling.
“Ang ganda naman dito! Puwedeng mag-lechon ng baboy rito,” namamangha niyang sabi.
Nalibang na siya sa kakaibang gamit sa pag-ihaw. May isang sakong uling din doon. Makalipas ang ilang minuto ay napasinghot siya. Nang maalala ang niluluto ay napatakbo siya pabalik sa kusina.
“Ay, kabayong sunog!” bulalas niya nang mapansing nasusunog na ang niluluto niya sa oven. Saka lang niya napansin na naka-set sa high heat ang oven. “T*ng*na talaga!”
Mabilis niyang inilabas mula sa oven ang tuna. Mangitim-ngitim na ang ibang parte nito pero okay pa naman sa loob. Abot lalamunan ang kaba niya nang maalala ang sinabi ni Yoshin na hindi dapat ma-overcook ang tuna.
“Yare ka, inday!” tudyo niya sa sarili.
“Kurisma!” tawag ni Yoshin.
Umigting ang panga niya dahil sa iritasyon. “Animal na ‘to! Kurisma nang kurisma!” maktol niya. “Yes, sir!” pasigaw rin niyang tugon.
“Is the food ready?”
“Uh, wait a minute! Kapeng mainit! Lintik na ‘yan!” Hindi na siya mapakali at kung ano’ng ginagawa sa tuna para lang maalis ang sunog na parte.
Mayamaya ay pumasok na si Yoshin, nakaligo na at itim na hapit na kamesita ang suot at itim ding shorts. “What is that smell?” kunot-noong tanong nito.
“Uh, nothing. It’s the fish,” aniya. Inilipat na niya sa malapad na plato ang tuna.
“You burn it? How can I eat that?” Hindi na maipinta ang mukha nito, nakasimangot.
Sinipat niya ito. “It’s still okay. Well done ang tawag dito, nasobrahan lang. Kainin mo pa rin 'to. Lamang tiyan din ‘to. Arte mo!”
“What did you say?”
Matabang siyang ngumiti. “I mean, the fish was still okay to eat. Only the outside part has burned.”
“Remove the burned part and slice it into tiny pieces. Serve it with steak sauce. You can get some from the fridge and preheat it first. I will wait in the dining. Hurry up!” Tumalikod na si Yoshin at lumisan.
Hinabol pa niya ito ng tingin at inirapan. “Daming arte!” maktol niya habang hinihiwa ang sunog na parte ng tuna. Itinabi niya ang mga natapyas na karneng sunog para ulam niya.
Nang mahiwa ang isda sa maninipis ay nagpainit naman siya ng steak sauce sa microwave. Naluto na rin ang steamed rice at nagsalin siya sa serving plate. Humihilab na ang kan’yang sikmura kaya mayamaya ang subo niya ng pagkain. Pagkuwan ay dinala na niya ang pagkain sa dining kung saan naghihintay si Yoshin.
“Here’s your food, sir!” nakangiti niyang wika sabay lapag ng mga pagkain sa harap ni Yoshin.
“Give me the pineapple juice and water,” utos nito.
“Yes, sir!” Patakbo siyang bumalik ng kusina at inasikaso ang inumin ng kan’yang amo.
May malaking jar ng pineapple juice sa ref at nagsalin lang siya sa baso. Ibinigay din niya ito kay Yoshin. Kumabog ang dibdib niya nang tinikman na nito ang ulam. Napangiwi siya nang mariing kumunot ang noo ng binata.
“It tastes bad,” hatol nito.
“How’s bad? Patikim.” Pumulot siya ng isang hiwa ng karne ng isda mula sa plato at tinikman.
Sinundan ni Yoshin ng tingin ang kamay niya at bibig. Ang sama ng titig nito sa kan’ya.
“Masarap naman, ah. It tastes like a roast fish!” aniya.
“It should not taste like that. I could not sense the aroma of thyme and lemon.”
“Asus! Ang mahalaga lasang tuna! Ayaw mo? Akin na lang.” Hinila niya ang plato ng ulam palayo kay Yoshin.
Hindi na maipinta ang mukha nito. “What the hell are you doing?” asik nito.
“You don’t like the fish, I will take it all.”
Lalong nangunot ang noo ng binata. “Are you insane? Just do your job and leave me alone!” galit nang singhal nito.
Napapiksi naman siya at ibinalik ang ulam. “Sorry, sir. Sabi ko nga hindi na ko makikialam. I will eat the burned fish. I’m hungry, too,” matabang ang ngiting sabi niya saka bumalik ng kusina.
Sinilip pa niya si Yoshin at saktong hinabol din pala siya ng tingin. Ngumiti siya rito. “I will eat na!” sabi niya. Kumaway pa siya sa binata bago tuluyang pumasok ng kusina.
Pumuwesto na siya sa harap ng lamesa at nilantakan ang pagkain habang nagkakamay.
“Ang sarap naman, eh. Maarte lang talaga siya,” palatak niya habang ngumunguya.
Mabilis natapos kumain si Yoshin at kaagad siyang tinawag. Napatakbo naman siya rito.
“Take these all,” sabi nito, itinuro ang tirang ulam.
“Can I eat them all? Bitin ang ulam ko, eh,” aniya.
“I just said it, right?” masungit nitong saad.
“Oo nga naman. Thank you!” Iniligpit na niya ang pinagkainan nito at dinala sa kusina. “Sungit talaga!” angil niya.
May apat na hiwang karne ng isda pang natira at inulam niya. Nakadalawang plato siya ng kanin. Brown rice kasi ito kaya parang hindi siya nabubusog. Nang maubos ang pagkain ay naghugas na siya ng kubyertos. Madaling linisin ang kusina dahil puro stainless ang gamit at marble tiles.
Pasayaw-sayaw pa siya habang naglalampaso ng sahig. Mayamaya rin siyang natigilan nang makarinig ng tugtog ng piano. Lalabas sana siya ng kusina ngunit sinalubong siya ni Cocoro. Hindi na ito galit sa kan’ya.
“Be a good boy, huh? I’m your friend,” kausap niya sa aso. Hinipo niya ito sa ulo.
Binilisan niya ang paglampaso sa sahig at binanlawan ang mop. Isinunod naman niya ang dining. Mula roon ay nasisilip niya ang malawak na lobby. Namataan niya si Yoshin na nakaupo sa harap ng piano at tumutugtog.
“Siya pala ang gumagamit ng piano. In fairness, magaling,” bulong niya.
Dumiretso na siya sa lobby at naglampaso. Pasimpleng sinisipat niya si Yoshin na seryoso sa pagtipa ng keyboard. May baso ng alak sa ibabaw ng piano na malamang ay tinutungga nito. Hindi siya pamilyar sa piyesa ng tinutugtog nito pero malungkot ang retmo.
Nakapikit pa si Yoshin habang tumutugtog, halatang kabisado na ang piyesa. Ngunit habang pinagmamasdan niya ito ay meron siyang napansin sa aura nito. He does not just have a dark and mysterious aura; there’s something else. Ramdam din niya sa aura nito ang lungkot.
Sandaling tumigil sa pagtipa si Yoshin at tumungga ng alak mula sa baso. Saka ito tumuloy sa pagtugtog. Naaliw na siya sa pakikinig at natitigilan sa ginagawa. Nang biglang lumingon sa kan’ya ang binata ay siya namang pagkislot niya dahil sa pagkagulat.
“Aray!” daing niya nang mabitawan ang hawak na mop at bumagsak sa paa niya ang handle nito.
“Aren’t you done mopping the floor?” tanong ni Yoshin.
Mabilis niyang pinulot ang mop at itinuloy ang paglalampaso. “I’m almost done,” tugon niya.
Tumayo na si Yoshin at naglakad bitbit ang baso. Nagtungo ito sa Island counter at nagsalin ulit ng alak sa baso.
“Turn off the lights once you’ve done,” sabi nito. Tumuloy na ito sa kuwarto.
Nang matiyak na wala na si Yoshin ay saka siya lumapit sa piano. Nakatayo sa itaas ng piano ang music book at nakabuklat sa pahina na siyang tinugtog ni Yoshin. Meron itong lyrics sa wikang English pero my Italian translation. Pabulong niyang binasa ang unang stanza ng kanta.
♫When I opened my eyes I only saw your smile
Your solemn voice blends with the breeze
Swaying my body like the trees dancing with the wind
Your gentle laugh calmed my anxiousness
Like a mild wave running over the ocean
Guiding me to step into the right way
Raising me like the bird learning to fly♫
Sinimulan ni Maya na kantahin ang piyesa at sinabayan ng pagtipa sa piano. Sa unang stanza ng kanta ay masaya, ngunit sa bandang gitna ay nagpapahiwatig ng malungkot na pamamaalam.
“Living with you in the past was the opposite of my present life, where you’re just memories. Yesterday was just a memory. There are pains. You left the scars with the harmony of forgotten love….” awit niya.
Bigla rin siyang huminto sa pagkanta nang bumalik si Yoshin. “Stop that!” asik nito.
Nagulat pa siya sa biglang pagsinghal nito. “Sorry, nakialam na ako,” aniya saka tumayo.
“Don’t touch my belongings without my permission! Turn off the lights and rest in your room!”
“Yes, sir!”
Bumalik din sa kuwarto nito si Yoshin.
Napakagat siya sa kan’yang ibabang labi ngunit hindi maitago ang curiosity. Ang weird lang kasi pinatugtog ni Yoshin ang piyesa na parang nag-e-enjoy, pero nang kantahin niya ay nagalit. What’s wrong with the song then?