“MAYA!” muling tawag ni Yoshin. Nakapasok na ito sa kusina. Hindi pa rin lumabas sa kinukublian niya si Maya hanggang maubos na lang ang kan’yang juice. Aywan niya bakit natataranta pa rin siya sa tuwing nakikita si Yoshin. Pero kung kaharap naman niya ito ay kusang lumalabas ang kan’yang tapang. Maaring may trauma pa rin siya rito. “Maya! I know you’re here!” sigaw ni Yoshin. Nagbilang siya ng tatlo bago lumabas. Saktong nakatalikod si Yoshin ay nilapitan niya at hinampas ng palad sa pang-upo. Napapiksi pa ito at pumihit paharap sa kan’ya. Awtomatikong nagsalubong ang makakapal nitong kilay. “Bakit ka ba naghahanap? Sigaw ka nang sigaw, kala mo naman nawawalang anak. Ano? Nagugutom ka, dedede ka?” walang prenong palatak niya. Tumunog pa ang bagang nito sa mariing pagdaiti. Pagkuwan