NABALING na ang focus ni Chase kay David na tila matagal na hindi talaga nagkita ang dalawa. Pansin ni Maya na na-out of place na si Yoshin at dumestansiya kay Chase. Tahimik lang itong sinisimsim ang cocktail nito. Umalis pa si Chase at sumama kay David sa labas ng bar. Nang wala na siyang nakapilang order ay muli niyang hinarap si Yoshin. “Napano ka na?” tanong niya rito. “Do you know the guy who was talking to Chase?” tanong din nito. “Si David, bagong manager namin at pamangkin ng boss ko.” Matiim na tumitig sa kan’ya si Yoshin, tila nagdududa na. “Really?” untag nito saka sinaid ang laman ng baso. “Ayan ka na naman, eh. Huwag mo sabihing pagselosan mo rin si Sir David. Ngayon pa lang kami nagkakilala.” “I won’t unless I notice his interest in you.” “Tsk! Ang babaw mo talaga. B