Chapter 63

1809 Words

HINAYAAN ni Maya na matulog pa si Yoshin. Umidlip lang siya at pagsapit ng alas-sais ng umaga ay nagluto na siya ng almusal. Dumaan pa roon si Boyet at naghatid ng isang malaking isdang iihawin at isang malaking supot ng pandesal, may kasama pang peanut butter. Nagising na ang dalawang agent at binigyan niya ng kape at pandesal. Namataan na niya si Mang Ador na naglilibot sa palayan. Tinawag niya ito at inalok ng almusal. “Salamat, Maya. Nagkape na ako, eh,” anang ginoo. “Kain muna kayo ng pandesal.” “Salamat.” Umupo rin sa tapat ng mahabang lamesa ang ginoo. “Ano’ng oras pala natin sisimulana ng pag-araro ng lupa, Maya?” pagkuwan ay tanong nito. “Puwede n’yo na pong simulan mayamaya. Tulog pa si Yoshin, eh. Maabutan pa namin kayo. Bukas na iyong paghuhukay para sa fishpond para makap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD