NAUNA na umahon ng pool si Yoshin kaya na-enjoy ni Maya ang pagtampisaw na mag-isa. Napagod siya sa maghapong gala at pag-asekaso sa lupa niya kaya kailangan niya mag-unwind. Habang nagpapalutang siya sa tubig ay muling sumagi sa kan’yang isip ang sinabi ni Yoshin. Hindi siya sigurado kung seryoso ba ito dahil obvious na kinabisado lang nito ang mga katagang nasambit. Pero inulit nito ang sinabi na gusto siyang pakasalan. “G*go talaga!” bulalas niya at biglang tumayo. “Bakit niya nasabi ‘yon? Ni wala siyang alam kung ano meron sa kasal. Gusto niya akong maging asawa? Para ano? Imposibleng nasabi niya ‘yon dahil mahal niya ako. Baliw talaga!” palatak niya. Lumangoy pa siya nang isang beses bago umahon. Binalot lang niya ng tuwalya ang kan’yang katawan saka pumasok ng bahay. Nakapatay na