“ASUS! Sinasabi mo lang ‘yan para matuwa ako sa ’yo at pakasalan kita,” pakli ni Maya hinggil sa sinabi ni Yoshin. Itinuloy niya ang ang pag-aayos sa buhok pero nakikita niya si Yoshin buhat sa salamin. Nakatingin ito sa kan’ya. “Compared to other women I met, you’re the only one who caught my attention effortlessly. I have never been attracted to a woman no matter how pretty she is,” sabi nito. “Obvious naman na hate mo ang mga babae. Bakit nga ba?” usig niya. “Because women are just a distraction.” “Ah, so I’m a distraction?” “Yes, you are,” walang gatol nitong pag-amin. Pinukol niya ito ng mahayap na tingin. Inisang tali niya na mataas ang kan’yang buhok, na walang isang hibla na nahuhulog. “Kung distraction ako, bakit habol ka pa nang habol sa akin? Puwede ka namang maghanap ng