SIMULA
"Anak, nasaan ka na?" tanong sa kaniya ng kaniyang ina. Natataranta ito at parang kinakabahan base sa tinig ng boses.
"Ma, na traffic lang ako. Pero papunta na po ako sa simbahan." Sagot niya rito. Kasalukoyan siyang nagmamaneho habang sinasagot ang tawag ng ina. Hindi na siya nag abala pang pumunta sa hotel kung saan dapat mag re-ready ang bride at bridesmaids dahil sa sunod-sunod na pangangailangan sa kaniya ng trabaho. Nasa kaniya naman ang susuotin na gown kaya sa bahay na niya siya nag ayos. Total marunong naman ang bestfriend niyang si Thea mag kolorete ng mukha ay hindi na rin siya nahirapan sa pag-aayos.
"H-Huwag ka muna dumiretso doon anak, daanan mo ako sa hotel, sasabay na ako sa'yo." medyo nauutal na sabi ng ina. Nagtaka naman siya kung bakit.
"Po? Pero 10:00 AM mag start ang kasal ni Ate, di'ba? Bakit wala pa kayo sa simbahan? Si Papa, nando'n na ba?" she was surprised to know na wala pa ang kaniyang ina sa venue lalo pa't isa ito sa pinakamahalagang tao, dahil ito at ang papa niya ang maghahatid sa kapatid niya doon sa mapapangasawa nito.
"O-Oo, nando'n na siya. I-I was not feeling well kanina, kaya hindi na ako nakasabay sa kaniya. Please come and pick me up, anak. Hihintayin kita." and just like that, the call has ended. Napabuntong hininga na lamang siya ng malalim. Aangal sana siya, but wala naman siyang choice dahil pinatayan siya ng call.
Nang makausad na sa traffic, she drove her car to the hotel at nakita ang ina sa mismong entrance ng establishment. She opened the car window sa gawi niya at tinawag ito. "Ma, let's go. Get in the car."
Nagmadali naman ang kaniyang ina na lumapit sa kotse, but what she didn't expect is when her mom opened the passenger's door and tried to pull her out. "Lumabas ka muna, anak." ang mukha nito ay tila nababalot ng pag-aalala. Para bang hindi ito mapakali at namumutla rin ang mga labi.
"Why? Kaunting oras na lang ang natitira at mag s-start na po ang ceremony. We can't be late that much, baka ma delay ang kasal ni ate." she's really worried about her sister's wedding, tas ayaw niya 'yung magalit sa kaniya or sa kanila ng mama niya dahil na late sila sa pinaka-importanteng araw nito.
But she's more worried about the state of her mom ngayon, kaya't bumaba siya ng kotse niya at pinagpaliban muna ang ibang alalahanin, just like what her mom wants, saka niya ito tinanong. "Is there a problem, ma? You seemed so stress." gamit ang likuran ng kaniyang kamay ay pinakiramdaman niya ang noo at leeg nito. "Nanlalamig ka ma, and you're exaggerating as well."
Hinawakan siya ng ina sa mga balikat. Napakaganda ng ina niya ngayon dahil sa maganda nitong suot na kulay maroon na gown at make up. Pero dahil sa matinding pagkabalisa, ay tila nawala ang spark ng ganda nito.
"Listen to me very well, anak." wala siyang ideya kung ano ang sasabihin ng kaniyang ina, ngunit maging siya ay naiilang dahil sa pagkabahala rito. "Hindi dumating ang ate mo."
"Po?!" she was so surprised at hindi mapigilang hindi mapalakas ang boses.
"Pero kasal niya ngayon, ma. Hindi pwedeng wala siya!" isa itong napakalaking event, kaya't hindi maaari na wala ito. "Wait lang, tatawagan ko po siya." akmang kukunin na niya ang cellphone sa loob ng sasakyan niya nang pinigilan siya ng ina.
"Huwag ka ng mag abala pa, anak. Ilang beses na naming tinawagan ang ate mo, pero hindi siya ma kontak. Cassandra, magiging isa itong napakalaking gulo kung walang sisipot sa simbahan para matuloy ang kasal. Maaring mapahiya ang pamilya natin, kaya kita pinapunta dito dahil ikaw ang gagawa no'n para sa kapakanan ng pamilya natin."
"Ano, ma?!" Mas nagulat naman siya ngayon. Napakurap-kurap at tila hindi makapaniwala.
"Wala na tayong ibang pagpipilian, Cassandra."
"Pero, ayokong magpakasal kapag hindi ko mahal ang tao! Isa pa, boyfriend 'yun ni ate. Hindi ko magagawang agawin ang moment na dapat sa kanila!" naghi-hysterical na siya dahil hindi naman niya in-expect na masangkot siya sa ganitong situwasyon. At mas lalong ayaw niya ng lalakeng may ibang nagmamay-ari tas sa ate pa niya!
"Anong gusto mo?! Ang mapahiya tayo sa lahat ng tao dahil naglayas ang ate mo sa mismong araw ng kasal niya?!" nasinghalan siya ng kaniyang ina, kitang-kita ang hindi kagustohang galit sa mga mata nito. Deep within her mom's heart, lies the pain dahil mailalagay siya sa situwasyon na alam nitong hindi niya gusto at labag sa kalooban niya. Mahal na mahal siya nito at hinding-hindi nito magagawang saktan siya.
Pero sa panahong ito, wala silang mapagpipilian.
Hindi na rin siya kumibo basta't napaiyak na lang siya nang siya'y bihisan at ayusan sa damit na dapat ang kaniyang ate ang magsusuot. Akala niya, simpleng pagka missing in action lang ang nangyari dito, but Cassey, her twin sister was intentionally running away from this day.
Bakit? Para sa anong dahilan?
Dumating siya sa simbahan, at nakita niya ang mga tao na medyo nagkakagulo na dahil hindi pa dumadating ang bride. Nakita niya rin si Sawyer na nasa cellphone ang atensyon at sumusubok na tumawag pero walang sumasagot dahil sa agaran namang ibinababa ang aparato at susubok na naman. Ngunit nang makita ng madla ang pagdating ng kotse ng bride ay pinapapabalik ng mga wedding coordinator ang lahat sa kanilang estasyon para sa pagsisimula ng seremonya.
Nakokonsensya siya kay Sawyer dahil maling tao ang pakakasalan nito at para na rin niya itong niloloko sa pamamagitan ng pagpapakasal niya dito.
Tumunog ang wedding song and each participant marches into the isle hanggang sa siya na lang ang hinihintay. The door is closed, kaya't walang nakakakita sa kaniyang pagbaba sa kotse. She walked slowly, at tinulongan naman siya ng mga staff.
Ang gulat sa mga mukha nito nang mapagtanto na hindi siya ang bride na in-expect umattend ay hindi maitatago mula sa kaniya. Pero wala sa mga ito ang naglakas loob na kumibo o sumira sa seremonya. Para bang inaasahan na ng mga ito na iba ang makikilala nilang bride.
The door slowly opened. Nakayuko siya. Each and everyone adores her in her elegant and stunning wedding dress. Napakahaba nito at maging ang veil din na bumagay sa kaniyang buhok. BUt Cassandra couldn't feel this moment. Rather than being happy for her sister, she's feeling so much guilt. Especially nang mag angat siya ng tingin, at narinig ang isa-isang reaksyon sa pagkagulat ng lahat.
Despite all the criticisms dahil hindi ang ate niya ang narito ngayon, the wedding still goes on. Galit at pagtataka ang pumatak sa mukha ni Sawyer nang makita siya. Sinubokan nitong sirain ang seremonya by attempting to leave his spot pero pinigilan ito ng mga magulang. As if through his parents' gazes, it proves na walang takas ang binata at dapat sumunod.
Her parents joined her and held her arms para ihatid doon sa lalakeng mapapangasawa niya. Na hindi pa naman niya kilala, maging ang pangalan nito. They said something to her, pero kahit isang salita ay wala siyang marinig. It's because of the tension that is growing within her. Isa pa, hindi siya sanay na napapaligiran ng ganito karaming tao.
---
Sawyer expected his bride, the excitement he had vanished because someone else's showed up. They might look relatively close, but he can tell that this person is not Cassey. She even wore his bride's dress. Kinulog ng galit ang kaniyang puso. Kumuyom ang kaniyang mga kamao.
Who the hell is this woman?
Nasaan ang bride niya?
Bakit hindi si Cassey ang dumating?
---
All throughout the ceremony, walang narinig si Cassandra. Pinakiramdaman lang niya kasi si Sawyer. Sawyer even acted as if nothing happened and still hold her hand and did the proper thing in their wedding. Para bang pino-prove nila sa mga tao sa moment na ito na siya talaga ang bride at hindi ang kapatid niyang si Cassey. Akala niya talaga ay ipapahiya siya nito, kaya kahit kaunti ay kumalma siya.
Hanggang sa inanunsyo ng pari na, 'YOU MAY KISS THE BRIDE.'
Hindi pa nga siya handa ay...
He kissed her, and it was her first kiss being stolen.