Epilogue 3rd Person's POV "Alam ko magiging mabuti din siyang ama paglabas niyong apat," may ngiti na sambit ni Sierra. Hinaplos ang sinapupunan niya. Maya-maya bumukas ang pinto. Pumasok si Laurde na may dalang tray at puno ng mga pagkain. "Kain ka na wife. Nagtimpla na din ako ng gatas para sa iyo." "Laurde." — Nahila ni Laurde Khlehenton ang hininga at bumangon. Agad nito dinampot ang baso sa lamesa at iniinom ang laman 'non. Sunod-sunod ang naging paghinga ni Laurde habang hawak ang dibdib at pawisan. Binaba ni Laurde ang mga paa sa sahig at sinabunutan ang sarili. Pakiramdam niya mababaliw siya anytime. "Daddy?" Napatingin si Laurde sa pinto matapos magbukas iyon at iluwa ang batang babae ba nasa limang taong gulang. Lumambot ang expression ni Laurde matapos makita