Chapter 43 3rd Person's POV Nagpumilit pumasok si Sierra dahil exam na nila iyon. Hindi naman naging dahilan ang issue na iyon para ma-cancel ang exam. Naging busy ang lahat at kahit walang review si Sierra kahit papaano kampante si Sierra na may tama naman sa mga sagot niya. Matapos ang exam at lunch break lumabas si Sierra sa classroom. Natutuwa siyang sinalubong ni Laxamanna at Perciran— agad nila naging topic ay about sa exam. "Gosh? Totoo ba? Nabaliw si Chinky?' Sandaling napalingon si Sierra matapos marinig iyon. Hindi pa din nawala ang topic about kay Chinky. "Napanood niyo iyong video— gosh, nakakadiri iyong magkapatid." "Tara na huwag mo na sila isipin," ani ni Laxamanna at hinila ang babae. Nakayakap si Laxamanna sa mga braso ni Sierra habang naglalakad. Tinung