Chapter 37 3rd Person's POV Hindi natigil ang chismis tungkol doon. May nga estudyante pa din ang kasalukuyang tinatawanan si Sierra. "Kasali pala ulit sina kuya sa rank 10 look Ran," ani ni Sierra at pinakita ang phone niya. Nakarating kasi siya sa official page ng university nila. "Wala ng nakakagulat diyan. Accelerated nga mga kapatid mo diba?" sagot ni Laxamanna habang kumakain ng junk foods. Naging kaklase nga ng triplets si Laurde dahil accelerated ang mga ito. Hindi alam ni Sierra kung gaano katalino ang mga kapatid dahil doon. "Wait— Lax? Bakit ikaw naging classmate kita? Bumabagsak ka ba?" tanong ni Sierra at tumingin sa kaibigan. Napatigil sa pagnguya si Laxamanna at tumingin kay Sierra. Biglang napaisip si Laxamanna dahil doon. Hindi niya na kasi alam kung ilang bese