Chapter 35 3rd Person's POV "Look Chinky— I don't like you. Iyon lang gusto kong linawin sa iyo. Walang kinalaman doon si Sierra— I love her from the start at kung mapupunta na naman ito sa usapan na gusto mo ako. Hindi ako interesado marinig ulit iyon," straight to the point na sambit ni Laurde. Ayaw niya na humaba pa ang usapan. Parang iiyak na si Chinky matapos marinig iyon. Sakto naman ang pagdating ni Sierra na sandaling napatigil matapos makita doon si Chinky. Napaayos ng tayo si Laurde at binuksan ang pinto. Lumapit si Sierra at nilingon si Chinky na nakayuko. "Sakay na," casual na sambit ni Laurde at kinuha ang dala ni Sierra. Inalis ni Sierra ang tingin sa babae at sumakay na sa sasakyan. Sinara ni Laurde ang pintuan at umikot para sumakay sa driver seat. Ini-start n