Chapter 31 3rd Person's POV Flashback "Huwag ka ng umiyak. Tutulungan ka namin tumakas." Sa kadiliman ng kwarto umiiyak ang batang si Sierra. Basta na lang ito ng kidnapper sa labas ng school nila. Nagtaas ng tingin si Sierra at may nakita siyang batang nakaupo sa harap niya. "May alam akong daanan para makauwi ka sa inyo," ani ng batang lalaki. Agad na umapila ang kasama nitong bata. "Shane! Magagalit si mommy," ani ng batang lalaki na ngayon ay nakatingin sa nakasarang pinto. Narinig nila ang daddy at mommy nila na nag-uusap. Papatay ang mga ito ng tao— ayaw ng mga batang makulong ang mommy at daddy nila. "Sumama ka sa amin bilis. May alam kaming daan," ani ng batang lalaki at hinawakan si Sierra. Tumayo ang babae at humihikbing sumunod sa dalawang bata patungo sa napaka