Chapter 29 3rd Person's POV "Cole?" Lumingon-lingon si Sierra sa paligid ng kusina para hanapin ang kusinero. Nagugutom kasi siya. "Madam may kailangan kayo?" Nagulat si Sierra at napalingon. Hindi niya naramdaman ang lalaki sa likuran niya. Nakita niya muli iyong body guard na nakita niya sa kusina minsan. Ngumiti si Merick at nagpakilala. "Pasensya na sa naging kalapastanganan na ginawa ko last time. Hindi kita nakilala madam," ani ng binata. May tiyura ito at mukhang matanda lang ng isa o dalawang taon sa asawa. Ngumiti si Sierra at sinabing ayos lang. Tinanong ng babae kung nakita nito si Cole. "Nakita ko siya umalis madam kasama iyong doctor. Kung gusto niyo kumain maari ko kayong ipagluto— kahit papaano maalam ako sa kusina," natatawa na sambit ng binata. Sa unang