HALOS ayaw kong sumama sa kanya sa loob ng bahay. Hinawakan lang niya ako ng mahigpit sa kamay na tila ba wala siyang planong pakawalan ako. "Sabi mo mag-uusap bakit inabot dito! Niloloko mo ko!" sabi ko sa kanya at totoong naiinis ako dahil nagsinungaling siya. "Mag-uusap nga. Hindi ako kumportable sa ibang lugar kaya dito ka na sa bahay matulog," sabi niya hanggang sa nakaladkad niya ako hanggang sa gate ng bahay niya. "Sapilitan na 'to, isusumbong kita!" panakot ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako. May nakakatawa ba sa sinasabi ko? Nagbabanta ako! Dahil nakapasok na kami sa loob kaya nakuha kong sipatin ang loob ng bahay niya. May garden sa kaliwa at p'wede kang magtatakbo doon. Sa kaliwa ay ang inifinity pool. Ang galing ng bahay niya paakyat kapag papasok ka sa main door. "A