KABANATA 50

2029 Words

UMALIS ang mga katulong kasama na si Diana. Naiwan kaming tatlo doon at panay ang salita ni Mommy na hindi siya makapaniwala na nagpapasok siya ng magnanakaw. Pinagmasdan ko saglit si Mylene. Bigla ko na lang nakita iyong sitwasyon ko sa kanya noong nakaraan na pinagbibintangan din ako sa bagay na hindi ko ginawa. Baka nga hindi naman talaga siya? Baka masyado lang akong nag-iisip ng kakaiba kanina kaya pakiramdam ko may kahina-hinala siyang ginawa? "Nasaan na ang kasama nito? Ang tagal naman ilabas ng gamit niya?" sabi ni Mommy. Imbes kasi na si Mylene ang kumuha ng gamit. Ipinautos niya kay Silvia. Baka daw kasi may gagawin pang iba si Mylene. "Gusto ko po siyang makausap. P'wede bang iwan niyo muna kami?" tanong ko at hindi talaga ako mapakali. Pakiramdam ko mali lang sila ng bintang.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD