HALOS hindi na magkasya ang mga regalo at bulaklak na natanggap ni Philip. Kada oras may bago siyang bisita. Pinasya kong sumama kila Daddy noong umuwi kami. Ganoon na rin si Belinda. "Uuwi na muna kami. Masaya akong gising ka na, hijo. Alam kong marami ka pang bisita na darating. Tuwang-tuwa sila na nagising ka na," sabi ni Daddy. Wala namang imik si Marinel at Belinda. "Maraming salamat, Senyor," sagot ni Philip. Malamlam ang aking mga mata ng balingan ko siya. Hindi pa rin mag-sink in sa utak ko na hindi niya maalala ang relasyon naming dalawa. Hanggang ngayon ay hindi pa kami nagkakausap ng maayos. Ayoko na rin munang ipilit dahil ngayon lang siya nagising. "Magpagaling ka, Philip," sabi ni Belinda. Nginitian at tinanguan lang siya ni Philip. "Get well soon," ang sabi ko naman