KABANATA 6

3024 Words
NAKUHA kong magdahilan kay Tita na mahina ang signal kaya hindi ko siya maintindihan. Hanggang sa pinatay ko na lang. Nag-text ako at sinabi ang aking dahilan. Nag-reply naman siya at tinatanong pa din kung saan ba ako sa Batangas nakatira kasunod niyon ay nanghihingi na naman siya ng pera dahil wala na daw silang budget pangkain. Hindi na ko nag-abala pang reply-an. Na-realize ko kasi na kapag in-entertain ko pa siya ay hindi niya ako titigilan sa kakahingi. Naisip ko na lang din na iyong ipon ko nitong huli. Balak kong ibigay kay Tita at sasabihin ko sanang wala na kong maibibigay pa. Kasi syempre, wala na akong trabaho. Alangan humingi ako kay Daddy dahil lang sa nanghihingi siya. Hindi ko din sigurado kung kailangan pa ba magtrabaho ako dahil maganda na ang buhay ko. Hindi ba kaya ka nagtatrabaho para maraming pera, para pagtanda mo hayahay ka na lang sa buhay. Hayahay naman na ako simula ngayon. Pero kung bibigyan ako ng trabaho ni Daddy tatanggapin at pag-aaralin ko iyong mabuti. Gagawin ko iyong best ko. Sinilip ko ang banyo at nalula ako sa laki. Apat na beses yata ang laki nito kumpara sa banyo ko sa apartment. May sarili pang bath tub! Separate ang toilet bowl at may shower room pa. Para akong nasa hotel. Ganito iyong nakikita kong banyo sa PB sa mga sikat na Hotel sa Maynila at ibang bansa. Tapos ngayon hindi ko na kailangan mag-check in. Mayroon na kong sarili! Hindi yata matatapos-tapos ang pag-selfie ko sa buong kwarto. Kung hindi lang sa tawag ni Manang Leonora hindi ako titigil sa kaka-picture. "Bakit po?" Naibaba ko ang hawak na cellphone at nagtaka ng sumenyas siya sa labas at pumasok ang tatlong babae. "Aasikasuhin ka nila ngayon, Senorita. Kailangan mo kasing maghanda para sa tanghalian." "Huh? Magtatanghalian lang naman bakit kailangan may assistant pa?" Napatingin ako sa tatlo na lumapit na sa akin. "Ganito po dito, Senorita," sabi ni Manang. "Tara na sa banyo, Senorita." Nagtataka man pero nagpaubaya ako sa paghawak nila sa akin papuntang banyo. Habang pinupuno ang tub at nasilip kong hinahanda na din ang petals at gatas doon. Dinala ako sa walk in-closet para pumili ng damit na susuotin ko. "Wait, kailangan pagkakain ganyan? Parang pang-alis 'yan, eh!" sabi ko dahil minuwestra sa akin ang mga dresses na p'wede kong suotin. Hindi ba p'wedeng simpleng blouse at shorts? Meron ako sa bag ko. Kaya lang hindi ko nakitang nilagay nila sa damitan ko. Siguro kasi ang papangit. "Kailangan niyo pong masanay, Senorita. Ganito po sa Hacienda. Ang gusto kasi ni Senyora Marinel presentable lahat at naasikaso kayo ni Senorita Belinda." Napatango ako. Medyo exciting din dahil bawat galaw ko ay may nakaalalay sa akin. May naghahanda ng pampaligo ko at damit ko. Napili ko ang puting dress na may canvass ng babae sa gitna bilang disenyo. Nakikita ko ang mga ganitong suot minsan ni Heart Evangelista. Ang taray! Nasusuot ko na ang damit niya. "Maliligo ako. Talagang andiyan lang din kayo?" tanong ko sa dalawa. Tumango sila at nagsalita ang nasa gitna. "Ako po magsa-scrub sa likod mo. Si Diana po ang sa braso at si Mylene po sa binti." Umawang ang labi ko. Grabe na ito, ha! "Sige! Gusto ko 'yan!" Natutuwa kong sabi at tumalikod na. Ngiting-ngiti ako habang ini-scrub ang likod ko at may kasamang pagmasahe pa. "Haaay, watta life!" bulalas ko dahilan para humagikgik ang dalawa doon. Natawa na din ako. "Si Senorita talaga..." bulong ng isa pero may bahid ng tuwa sa tono ng boses niya. "Gusto niyo po bang prutas at wine? Mayroon po kaming dalawa dito para kumportable ang pagligo mo," sabi ng isa. "Ay, bongga! Ganyan ang mga mayayaman 'di ba? Pa-try nga! Tapos, Ate. Picturan mo nga ako habang nasa mamahalin at malaki akong bath tub." Humagikgik ako at tinuro ang cellphone kong nasa ibabaw ng drawer sa banyo. Natatawang sumunod sa akin ang isa. Napaungol ako ng diniinan ng katulong ang pagmasahe sa likod ko. Naku, hahanap-hanapin ko ito! Ang sarap niya magmasahe! Pati magaling magkuskos. Tanggal yata ang ilang taong libag ko dahil sa kanya. Inabot sa akin ang slice apple. Kumuha ako ng isa at umanggulo na sa harap ng camera. "Igilid mo kaunti. Dapat kita itong bath tub. Hindi naman malaswa naka two piece naman ako," utos ko sa katulong at sinunod niya iyon. Ilan posing pa ang ginawa ko kasama naman ang wine. "Ate, anong pangalan mo? Ngumiti ka naman! Picture tayo. Tapos tayong tatlo!" "Silvia po. Naku, bawal po kami isama. Baka mapagalitan tayo ni Senyora." Kaya pala tinatago ang mukha sa likod ko. Bawal pala. "Hindi naman niya malalaman tsaka hindi ko 'to i-upload. Strict ba siya pagdating sa ganito? Picture lang naman, eh." Ngumuso ako at sinilip siya na patuloy sa pagmasahe sa balikat ko na. "Ayaw po niya na mawala ang boundary bilang katulong sa amo." Kumunot ang noo ko. "Nge. Bakit tao pa rin naman kayo? Naku, sa akin okay lang. Baka sa kanya 'yon. Simula ngayon, friends na tayong tatlo!" sabi ko at nakita ko ang pag ngiti ng dalawa at abot iyon hanggang mata. "Uh... kasi Senorita. Mapapagalitan tayo kapag sobrang close namin sa inyo. Baka mawalan kami ng trabaho," malungkot niyang sabi. Nalaglag ang balikat ko. "Ganoon ba? Wala pa naman akong friends dito. Hindi din naman ako maselan dahil lumaki ako sa hirap. Walang kaso sa akin kung close ko maski mga katulong. Kung trato ko sa inyo ay kaibigan ko na din." Nanahimik ang tatlo at ang dalawa kanina na masaya ay bigla din nalungkot. Halos kaedaran ko lang pala iyong dalawa na si Diana at Mylene. Nasa trenta naman na si Silvia. "Ang ganda mo, Senorita! May hawig din po pala kayo sa namayapang si Senyora. Kapag po titigan kayong matagal. Kamukha niyo din naman siya." "Talaga? Wala akong nakitang pictures niya dito. Tinago ba?" Ngumiti ako sa harap ng salamin habang inaayos ni Mylene ang pagkaka-pony tail ang buhok ko. "Tinanggal na po. Pinaalis lahat ni Senyora Marinel ng pinakasalan siya ni Senyor. Hindi ko po alam kung naitapon na o tinago," sagot niya. "Hindi bale, itatanong ko kay Daddy." Bumaba ako ng naka-high heels pa! Parang mamasyal talaga ako sa labas samantalang kakain lang naman. Naka-make up din ako. Light make up at magaling si Diana dahil litaw pa rin ang ganda ko. "Simula sa araw na ito. Silang tatlo ang opisyal mong tagapagsilbi sa Mansion," sabi ni Manang Leonora. Lumawak ang ngiti ko. Syempre, gusto ko sila. Nakilala ko na ang tatlo kahit ilang oras pa lang ako dito at panatag ang loob ko sa kanila. "Hindi ko pa nalibot ito, Manang. Ang laki-laki talaga! May elevator ba ang bahay na 'to?" Pinasadahan kong muli ang buong bahay habang pababa ng hagdan. Natawa ito at tumango. "Mayroon. Kaya lang tayo naghagdan dahil sa second floor lang naman ang kwarto mo." Tumango ako at ngumiti. Natanaw ko ang ibang katulong na naglilinis sa sala. May nagba-vacuum at may nag-aalis ng alikabok sa mga displays, sofa and appliances. "Nasa dining na sila. Inaantay ka. Makikita mo na din ang kapatid mo," sabi ni Manang. Kapatid? Sabagay half-sister na din maituturing dahil anak siya ni Mommy Marinel. Nadaanan pa namin ang panibagong living room at entertainment room tapos nasilip ko din ang sa labas ang hardin at may swimming pool. Narinig ko na ang boses ni Mommy Marinel habang papalapit kami sa dining area. "Pakilagay sa dulo. Okay na ano? Wala ng ilalagay?" Kinabahan ako dahil first time kong makakasabay silang kumain. Pagpasok ko sa loob ay nakaupo na sila. Nasa magkabilang kabisera si Daddy at Mommy. Hindi naman mahaba ang lamesa dahil ilan lang kami. Pero nahagip ng mata ko na may long table din naman siguro para iyon sa kapag may okasyon at maraming tao. Nakatalikod sa akin ang babaeng mahaba at kulay ash gray ang alon-alon nitong buhok. "Hija! Halika at maupo ka dito. We'll gonna start our lunch!" bati ni Mommy Marinel at nilapitan na ako para yayain talaga sa lamesa. Ngumiti ako at napatingin kay Daddy na tumayo na din para salubungin ako pero sinenyasan siya ni Mommy kaya bumalik ito ng upo. Iminuwestra sa akin ang upuan sa harap ni Belinda. "This is my daughter, Belinda. Your sister na din," sabi ni Mommy kaya tinuon ko ang mata kay Belinda na nakatingin na din sa akin. Palakaibigan siyang ngumiti at bumati. Inayos muna nito ang kulot niyang buhok bago nagsalita. "Hi, Ate Anne!" "Hello!" Ngumiti din ako. Napatingin ako kay Mommy na umupo na at sumenyas sa katulong kaya agad na nilagyan ng tubig ang baso ko. "You're older than her, Hija. Two years kaya Ate ang tawag niya." Tumango ako at bumaling kay Belinda na nakatitig na sa plato nito. Maganda siya. Manang-mana sa Mommy niya. May lahing kastila yata sila dahil sa tangos ng ilong at natural na expressive na mga mata. Mahaba ang pilik-mata at makipot ang labi. Nag-announce si Daddy na magsimula ng kumain. Napatingin ako sa plato. Ang daming utensils. Hindi ko alam ang una kong gagamitin. "Do you like your room? Kapag may gusto kang ipabago huwag kang mahiyang magsabi sa akin," ani ni Daddy. Umiling ako at ngumiti. "Wala po. Lahat po maganda at gustong-gusto ko," mahina kong sabi. Tuwid na tuwid ang upo ko at pasimple ko silang pinapanood. Nakita ko si Belinda kung anong kutsara ang ginagamit niya kaya ginaya ko lang din. "Gusto mo ba nito? Braised pork ribs?" tanong ni Mommy. Tumango na lang ako. Nilapit iyon sa akin ng katulong at kumuha ako ng kaunti. Dapat sa gilid nilalagay para mukhang presentable pa rin ang plato ko. Nagsimula akong kumain. Napapatingin sa akin si Belinda. "Ate, please hold your utensils properly. It sounds irritating," aniya. Hindi naman siya galit o ano dahil mahinahon naman siyang nagsalita. Medyo natawa si Mommy Marinel at mabilis na tumingin kay Belinda. "Hija, hayaan mo na. My apologies, Anne and Senyor." Tumingin si Mommy at humingi ng paumanhin sa akin at kay Daddy. Ngumiti pa siya. "Sorry po," sambit ko na lang. Maingay pala ang kutsara at tinidor ko. Tumatama sa babasagin na plato kaya naingayan si Belinda. "I'm sorry," "It's okay. We should understand that Anne didn't grow up like us. Hija, you need to learn a lot," sabi ni Mommy Marinel sabay baling kay Daddy. Nabitin sa ere ang pagsubo ko ng pagkain. "We should enroll her in etiquette class and personality development. What do you think? So we can formally introduce her to everyone. Isang buwan, siguro marami na siyang natutunan." Napatingin ako kay Daddy na marahang nagpunas ng napkin sa gilid ng labi nito. Ngumiti at tumingin siya sa akin. "It's the best thing to do at maganda na masimulan na agad. After this, gusto kitang makausap sa library," sabi ni Daddy dahilan para tumango ako. Ingat na ingat ako sa bawat dapo ng kutsara sa plato. Mabigat naman kasi ang kutsara at tinidor. Hindi din ako makanguya ng maayos. Lahat sila pag tinitignan ko ang smooth lang ng pagkaka-scoop ng soup. Mahinhin gumalaw sa Belinda. Sinubukan ko din naman kaso... "Sorry!" Natuptop ko ang bibig ng malaglag ang kutsara. Umusog ako at balak kunin ng pigilan ako sa kamay ni Mommy. Umiling siya at sumenyas sa katulong kaya binigyan ako ng bagong kutsara. Namula ang buo kong mukha sa kahihiyan. Napatingin sa akin si Belinda pero wala namang sinabi. Nagpatuloy ito sa pagkain habang si Daddy ay nag-utos na bigyan ako ng isa pang ulam. Hindi ko yata na-enjoy ang pagkain. Ang daming putahe sa harap ng lamesa pero hindi ko lahat makain dahil hiyang-hiya at bilang ang kilos ko. Natatakot akong pumalpak. Nagpaalam si Belinda dahil tapos na siyang kumain. "I have my zoom class at 2 pm," sabi niya at humalik sa pisngi ni Mommy at Daddy. Nag-aaral pa pala siya. Tahimik akong uminom ng tubig. Maski pag-inom dapat simsim. Pakunti-kunti. "I'm happy that you're here. Maasahan talaga si Philip pagdating sa lahat. Hindi ako nagkamali na ipinaubaya ko sa kanya ang tungkol sa'yo at ngayon nga kasama ka na namin." Tahimik lang ako habang pinaglalaruan ang mga daliri sa kamay. Nasa library kaming dalawa ni Daddy dahil kakausapin niya daw ako. Ngumiti lang ako at wala ng nasabi pa. Tuwid na tuwid ang likod ko at ang mga mata ay hindi mapakali. Naiilang pa rin sa tunay kong ama. Huminga ng malalim si Daddy at naramdaman ko ang titig niya sa akin. "Katulong si Margarita sa bahay na ito noon. Malapit na kaibigan ni Maricar kaya malaki ang tiwala niya kay Margarita kahit na ba katulong siya sa mansion..." Napakurap-kurap ako. Tila nahuhulaan ko na kung anong pag-uusapan namin ngayon. Malalaman ko na ba ang tunay na dahilan kung bakit ako napunta kila Tiya Helena? "Hindi lubos akalain ni Maricar na ang pagtitiwala niya kay Margarita ang siyang dahilan para mawalan kami ng anak. Umalis si Margarita dala-dala ka. Hindi ka iyakin noon at hindi din mahigpit ang seguridad sa mansion lalo na malaki ang tiwala ng lahat kay Margarita dahil katulong na siya ng ilang taon. Nagawa ka niyang itakas ng hindi namin alam. Nagpakamatay si Margarita dahil kalaunan nahuli namin siya pero wala ka na. Nakuha ka ng pagpasapasahan at hindi na namin alam kung kaninong kamay ka na napunta. Hija, ginawa namin ang lahat. Kaliwa't-kanan ang panawagan namin sa telebisyon, sa radyo at sa dyaryo. Mahanap ka lang. Hindi makakain at makatulog ng maayos si Maricar dahil ikaw ang palagi niyang inaalala..." Naitikom ko ng mariin ang labi. Lumalambot ang puso ko dahil sa kwento ni Daddy sa akin. Nalulungkot ako para kay Mommy at para sa sarili. Kung hindi sana ganoon ang nangyari. Lumaki ako sa poder nila at naabutan ko kung paano alagaan ng isang Senyora Maricar sa Hacienda Oraza. "Hindi siya sumuko. Umaasa pa rin siya. Maraming nagsabi na ikaw daw si Anne pero puro naman kasinungalingan. Ilang DNA na ang ginawa namin pero hindi ikaw sila. Kada birthday mo, sine-celebrate namin ni Maricar. Bumibili siya ng regalo para sa'yo. Ang mga kapatid niya kada birthday mo, hindi nila nakakalimutan." Nag-angat ako ng tingin. "Ang birthday ko po February 16, 1996. Tama po ba?" "February 10 ka pinanganak, hija. Siguro dahil sa iba-iba na ang humawak sa'yo kaya nagkamali na din sila ng nasabing birthday mo. Pero natutuwa ako na hindi nagbago ang pangalan mo at Anne pa rin ang nanatili pero ang buo mong pangalan talaga ay Stephanie Anne. Ipapaayos ko ang mga dokumento mo para mailipat din ang ibang impormasyon. Nitong nakaraang buwan lang may lumapit sa aming matanda at nagsabi na saksi siya sa batang ibinigay sa pamangkin niya. Ibinenta kay Edita. Kaya natunton ka namin. Sabi ko nga bakit ngayon lang siya nagpakita. Hindi daw niya alam ang tungkol sa'yo at nalaman lang niya dahil sa lumang dyaryo na naitago ng asawa niya dalawang dekada na ang nakakaraan. Kolektor kasi sila ng mga lumang gamit kasama na ang dyaryo. Nagawang ma-preserve ng asawa niya iyon at sobra akong nagpapasalamat dahil sa kanila kaya ka namin nahanap." Umawang ang bibig ko. Namumula ang mga mata ni Daddy. Nadadala siya habang sinasariwa ang nakaraan. Kumurap-kurap ako at tumingala para pigilan ang luha. "Kakausapin ko ang Tiya mo. Ipapasundo ko siya at kakausapin sa aking opisina. Simula bukas, opisyal na nating tatapusin ang anumang ugnayan mo sa kanila. Hindi sila ang tunay mong pamilya. At alam ko kung anong trato nila sa'yo doon, Hija. Kaya magkakaroon kami ng kasunduan at papipirmahan ko siya ng kontrata para hindi ka na niya guluhin pa." Nalunok ko ang bikig sa aking lalamunan. "May pagka mabait naman po si Tiya Helena. Talaga lang mabisyo ho. Nagpapasalamat pa rin ako na kahit hindi nila ko tunay na anak, napalaki naman nila ako at napakain. May pagkukulang man pero ngayon naiintindihan ko na kasi hindi naman pala nila ko tunay na kamag-anak. Mas na-appreciate ko na kinupkop nila ako at heto na ko ngayon kahit na hindi ako tunay na anak ni Mama Edita." "Gusto mo bang pumasyal pa rin at magkaroon ng koneksyon sa kanila? I know that kind of family. They are abusive. Now that you are belong to a wealthy family. Tingin mo ba hindi sila magiging abusado? Wala namang kaso sa akin kahit bigyan ko sila ng pera. Kaya lang, Hija. Ang tao ay mas lalong nagiging abusado at greedy kapag alam nilang may nagbibigay. They will not learn how to survive in a proper way. Instead, they will continue to ask you for more money. Masaya naman ako dahil napalaki ka at napakain ng pamilya nila. I would give them enough money to start a new life. Sapat na siguro ang limang milyon para sa bayad sa pagkupkop sa'yo." Napasinghap ako sa laki ng pera na ilalabas niya para kila Tiya! Ilang sigarilyo at alak na mabibili nila no'n! Putek, tiba-tiba sila Tiya! Yumuko ako at tumitig sa sahig. "Ikaw po ang bahala. Aaminin ko po na panay ang hingi ni Tiya sa akin ng pera kahit noon pa. Kaya ramdam ko na ngayong nakalipat na ako. Ganoon din ang gagawin niya. Tama ka po. Dapat turuan ko sila kung paano kumayod o magtrabaho para magkaroon ng pera." Ngumiti siya at tumango. "Alright, and tomorrow sana kung may nahanap si Marinel ngayon na instructor para sa'yo. Bukas na bukas magsisimula ka sa klase mo. I will enroll you to home schooling and i-introduce ko na rin sa'yo ang mga negosyo natin. Walang ibang hahawak niyon, Anne. Ikaw ang tunay at nag-iisang tagapagmana. Ikaw lang ang aking kadugo. Turing ko man kay Belinda ay anak. Iba ka pa rin. Dugo at laman kita kaya sa'yo nararapat ibigay ang negosyo at Hacienda natin." Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Paano si Belinda? Parang nahiya naman ako at nalungkot para sa kanya pero... hayaan na nga. Excited ako sa plano ni Daddy para sa akin. Mag-aaral ako ulit. Siguro naman mas okay 'yon dito kaysa sa lalabas pa ko. Sisipagin ko na lang! Noon kasi nakakatamad talaga. Gusto ko kumita na lang kaysa mag-aral. Ngayon walang dahilan para maging tamad, Anne! Kayang-kaya mo 'yan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD