PANAY ang tingin ni Philip sa akin habang nasa sasakyan kami. Ramdam ko na iyon kanina pa. Sinulyapan ko siya at nginitian. "Bakit?" I chuckled. Nagpanggap akong okay kapag nariyan siya. Kinabahan ako na parang nahuhulaan niyang may kakaiba. "Umiyak ka ba?" aniya pero hindi ako tinignan. Abala ang mga mata nito sa side mirror. Tumaas ang kilay ko at natawa. "Hindi. Ah, okay. Nanuod kasi ako ng movie kanina. Iyong miracle in cell no. 7. Hindi ka kasi mahilig sa kdrama." Napailing si Philip tapos binalingan ako. "You are watching while on duty?" Hindi nawala ang taas ng kilay ko. "Bakit? Boss ako." Ngumisi siya bago binaling ang mga mata sa harap. "Mas boss ako," mayabang niyang sabi. Natawa kami pareho pero ang tawa ko ay saglit lang at hindi iyon totoo. I looked away. Inabala

