KABANATA 4

3117 Words
TULALA ako habang nakahiga na sa apartment. Matapos ang komprontasyon namin nila Gov at Tiya kanina. Hindi na ko pinatulog ng lahat ng mga nalaman ko. As in, para akong nanaginip. Mantakin mo nga namang mayaman pala ako? Halos mamatay na ko kaka OT, punyemas na buhay 'to may pera pala ang mga magulang ko! Bakit ba naman kasi ako kinuha-kuha pa ng Margarita na 'yon! Ang sarap na sana ng buhay ko noon pa man. Kapag nakita ko 'yon sasakalin ko ng bongga! Muli akong natigilan ng maalala sila Tiya. Kaya pala... oo nga at hindi naman nila ako ginugutom pero ramdam ko pa rin syempre na parang hindi ako belong. Siguro dahil nga pamangkin lang ako. Iba trato ng sa anak. May parte sa akin na minsan naisip ko kung talaga bang kamag-anak ako. Iba kasi ang mukha ko sa kanila. Kapitbahay na rin nagsasabi. Inignora ko at syempre lumaki ako sa poder nila Tiya kaya paanong ampon ako. Iyon pala... iyon pala ampon nga! Bukas totohananin ni Gov 'yong DNA kemerut. Nasa US pa daw kasi ang mga magulang ko 'kuno'. Sa susunod na araw pa daw ang dating pero ang flight nila pauwi ay bukas. Syempre, malayo ilang oras ang biyahe bago makarating dito sa pinas. Excited, kinakabahan at nalulungkot ako. Kung totoo man ito, lamang ang excitement ko. Aba, matagal ko ng pangarap ang yumaman! Kaya hilig ko sa lalaking may pera. Ayoko ng ako ang bubuhay sa kanila. Sa ganda kong 'to ako pa magreregalo. Huwag na noh! Tumunog ang cellphone ko at nakitang nag-message si Travis doon. Hindi ko naiwasang umirap. Ang kulit ng tukmol na 'to! Excuse me, hindi na ko masisilaw sa regalo mo. Mayaman na ako! Bi-n-lock ko ang numero niya. Hindi dahil sa hindi ko siya kailangan kundi nangako siya sa akin na titigil na siya sa panliligaw at pangungulit. Pero ngayon nangangamusta. Alam ko na naman kung saan pupunta kapag pinatulan ko ang kumusta niya. Nagising ako sa katok sa labas ng pinto. Mabuti na lang rest day ko ngayon kaya makukuha kong sumama kay Gov. Pero kahit na siguro may pasok ako aabsent ako para sa DNA ano. Pagbukas ko ng pinto ay ang maaliwalas niyang mukha ang nakita ko. Nanuot sa ilong ko ang pabango niya. Mabilis kong sinara ang pinto. Hindi pa ko nakakamumog! Hindi pa ko nakakasuklay! Nag-panic ako at tumingin sa wall clock. Alas-sais pa lang bakit ang aga-aga naman nito. Akala ko ba alas-otso. "Uh, sandali! Mamaya na, Gov. 'Wag ngayon, please! Hindi pa ko nakakamumog. Bumalik ka—" Naputol ang sasabihin ko ng kumatok ulit siya. "Sabi na nga kasing mamaya na, Gov!" mabilis kong hinila pataas ang damit ko para itakip sa mukha. Pagbukas ko ng pinto ay mukha ni Aling Cecil ang bumungad sa akin. "Ano bang pinagsasabi mo? Ang bayad mo, Anne. Hindi ko na maantay ang akinse at mapuputulan na tayo ng ilaw. Kung okay lang sa'yo na matulog ng walang ilaw at electric fan. Ako hindi. Kaya bayad," aniya at naglahad ng kamay. Napakamot ako sa ulo. Isang libo na lang ang pera ko hanggang sahod pa 'to. Namroblema ako bigla. Sumilip ako sa labas at nakitang nakasandal sa dingding si Gov at nanunuod lang kay Aling Cecil! Hindi niya ba kilala si Gov? Nahuli kong nagpapalit-palit ng tingin si Aling Cecil sa amin. "Kilala mo?" tanong niya sabay turo kay Gov. Nagkatinginan kami ni Gov. Kumunot pa ang noo niya dahil nakatakip ang mukha ko ng damit. "Gov... uh, Aling Cecil. Siya pa si Governor Philip ng Batangas." Tinitigan ako ni Aling Cecil na tila ba inaantay niya kung nagjo-joke ako kaso hindi kaya mabilis na lumambot ang mukha niya at bumati kay Gov. "Gov! Magadang umaga ho! Pasensya na hindi ko po kilala ang sa Batangas." Napakamot ito sa ulo. "Sandali lang! Magbibihis lang ako. Babayaran po kita, Aling Cecil!" "Huh? Ibaba mo kasi 'yang damit mo!" sabi niya sa akin pero tinalikuran ko na at nanakbo na ko papunta sa banyo para maghilamos, mag-toothbrush at magsuklay. Sobrang bilis na hindi ko akalain matatapos ko lahat iyon ng limang minuto lang. Baka umalis kasi isa sa kanila. Pagbalik ko ay nag-uusap pa din silang dalawa. "Sinusundo ka pala ni Gov, eh. Pinag-aantay mo. Nakakahiya naman," sabi ni Aling Cecil. Napatingin sa akin si Gov habang kunot ang noo. "Uh, Aling Cecil. Hiramin ko muna si Gov. Diyan ka lang, ha?" sabi ko at lumapit kay Gov para hilain papasok sa apartment. Sinarado ko ang pinto at tinulak pa siya papasok. Nakahinga ako ng maluwag. Naabutan ko si Gov na napatingin sa dibdib nitong nahawakan ko kanina. "Pasensya na, Gov! Gipit lang... hihiram sana ako. Baka may 2.5k ka diyan? Babayaran ko na lang kapag nakaluwag-luwag na..." Napalunok ako at hindi makatingin sa kanya. Nag-init ang buo kong mukha sa kahihiyan. Wala akong choice! Wala talaga akong pera at nakakahiya na iyong sinisingil ako ni Aling Cecil at naabutan niya 'yon kaya sasagarin ko na! "You don't have to ask me. I was about to pay your bills. Isa pa, aalis ka din naman na dito once lumabas bukas ang result ng DNA. Susunduin ka na nila Senyor at Senyora." Nagparte ang labi ko sa sinabi niya. Ang bilis ng result. Bakit sa iba inaabot ng matagal? Iyon bang napapanuod ko sa iba sa TV. Napatingin ako sa kamay nitong humuhugot na sa bulsa ng pantalon nito. Naglabas ng wallet at nakagat ko ng mariin ang ibabang labi ng masulyapan ko ang libo-libo doon. Napaiwas ako ng tingin. Mukha naman ako nitong hayok sa pera. Nalulula ako dahil nahawakan ko lang yata lagi lima hanggang pitong libo! Palagi pang limang minuto ang tinatagal. Ubos na! Inabot niya sa akin ang sampung libo. Umiling agad ako. "Naku, hindi! Ito na lang. Wala ka yatang 500. Saglit hahanap ako ng sukli," akma akong aalis sa harap niya para kunin ang bag kaya lang maagap niya akong nahawakan sa braso para pigilan. Kalmado niya akong binitiwan pero ako bumilis ang t***k ng puso ko! Naku, heart! Hindi p'wede. Gobernador 'yan. Baka may asawa o 'di kaya girlfriend. Crush-crush lang. Bawal ang t***k ng puso! Kinalma ko ang sarili at inosenteng bumaling sa kanya. "Huwag na. Ibayad mo 'yan lahat sa kanya." "Huh?! Sampung libo? Ano siya sinuswerte? Ibabalik ko 'to!" sabi ko at inaabot sa kanya ang seven thousands pero umiling ito. Napangiwi ako. "Ayaw mo? Bahala ka," sabi ko at tinalikuran ko na siya. Binuksan ko ang pinto. Ramdam ko ang pagsunod ng mga mata ni Gov sa akin. "Ano na? Asan ang bayad at ng makaalis na ako," sabi ni Aling Cecil. Napataas ang kilay niya ng inilahad ko ang tatlong libo. "Ayan na po. Keep the change," confident kong sabi kahit na ang ingles accent ko matigas pa sa mukha ko. "Buti na lang andiyan si Gov. O, sige na. Bye, Gov! Mauna na ko, Anne." Tumango ako at napangisi. Inipit ko sa bulsa ang pitong libo. Ngiting-ngiti pa ko pero paglingon ko salubong na kilay ni Gov ang naabutan ko. Napakamot ako sa ulo. "Sabi mo kasi hindi mo tatanggapin. Ayaw ko nga ibigay ng sobra. Kaya akin na lang 'to. Kukunin mo pa ba? Teka—" Bubunutin ko sana ulit sa bulsa ko 'yong pera kaya lang pinigilan niya ako. "Never mind. Can we go now? Para mabilis din tayong matapos. Napaaga ako dahil may appointment na ko mamayang alas-dose," sabi niya sabay sipat sa relo nito. "Wait, maliligo pa ko. Nakakahiya naman lumabas ng kakaahon ko lang sa kama. Diyan ka lang, Gov. Mabilis lang ako," hindi ko na siya pinatapos magsalita. Nilagpasan ko na ang mabango at simpatikong si Gov at mabilis na pumunta sa banyo. Hindi ako sasakay sa sasakyan niya ng hindi ako nakakaligo. Nakakahiya naman sa kanya at sa magarang Limo niya. Panay ang laro ko sa aking daliri habang nag-aantay sa staff. Tumawag si Tiya kanina at tinatanong ako kung talaga bang natuloy ang DNA ngayon. Syempre sinabi ko na oo. Hindi ko nga alam kung bakit masaya siya na nalaman na ang katotohanan. Hindi ba dapat malungkot siya kasi syempre, may posibilidad na umalis na ko sa kanya. Hindi ko na siya pansinin kasi nilihim niya sa akin ang totoo. Nag-angat ako ng tingin ng pumasok sa room si Gov. Tapos na sa katawagan nito. Ang hirap maging pulitiko. Laging busy. Simula kagabi, hindi na maawat ang pag-ring ng cellphone niya at puro trabaho. Ngayon ganoon pa rin. "Not yet done?" Tumango ako. Naiintindihan ko 'yong ingles niya kahit ako hindi makapagsalita ng ganoon. Matalino ako oo. Kaso mas matimbang ang pagkatamad. Mas gusto ko ng magtrabaho kaysa mag-aral pa sa college. Wala din namang pangpaaral sa akin sila Tiya. Hindi naman ako priority kundi anak nila. Madami pa naman mga pinsan ko. Mas okay din na may trabaho kasi kahit papaano nasusuportahan ko sarili ko. Kahit na ayon laging OT. "Maam Bitangcol?" Napatayo ako ng tinawag ng babaeng staff. Sumunod ako sa kanya. Matapos ang pag-uusap sa Doctor ay kinuhanan na ko ng samples. Saliva at sa buhok. Naka-expedite ang processing kaya bukas daw sure na lalabas ang result. Pinapabalik kami ng after lunch bukas. "Sasamahan ka nila bukas," sabi ni Gov ng nasa sasakyan na kami. Ihahatid ako pabalik sa apartment. "May pasok kasi ako bukas." Nilingon niya ako. "You can take a leave or resign. You don't need to work there anymore once the result is out at napatunayan na anak ka nila Senyor. Hindi ka rin nila papayagang mag-stay sa factory because you have responsibilities to fulfill." "A-anong responsibilities? Tsaka Gov, kaano-ano mo ba sila Senyor? Bakit ang laki ng tiwala nila sa'yo at pinaubaya ang ganito?" Tinignan niya ako at ngumiti. Biglang nanlambot ang puso ko. Hoy, putcha! Ngumiti siya! First time! Sobrang seryoso at akala mo laging tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan kapag kaharap niya ako. "Our family is close with each other. Simula pa noon. Ninong at Ninang ko na sila. You'll figure it out soon. Once you stay in Hacienda." Ngumuso ako. Kaya naman pala. Pinagkatiwala sa kanya ang ganito kasi nga kilala na siya simula pa noong bata at close ang family nila. Tinanaw ko ang papaalis na Limo. Nagulat ako ng tapikin ako ng kapitbahay namin na si Rosalinda. "Huy! Mayaman na naman nabinggwit mo? Mas mayaman na sa nanliligaw sa'yo?" "Hindi ko manliligaw 'yon, ano ka ba! Lagi na lang kayong ganyan. Minsan kahit grab driver pagkakamalan niyong dyowa ko. Wala na bang ibang tsismis?" Sinimangutan ko siya. "Eh kasi kahit naman tricycle wala kang pambayad. Syempre, grab pa ba?" "Sampalin kaya kita? Libre lang sa akin ng kaibigan ko 'yon. Ba't ba ko nagpapaliwanag sa'yo. Bahala ka nga Rosa. Palagi kang updated sa buhay ko. Sa susunod ibalita mo nagpakasal na ko sa matandang lalaking madaling mamatay!" Nanakbo ako papasok sa loob. "Hoy, Anne! May itatanong pa ko, eh! Ano ba 'to!" Dinig ko pa ang sinabi ni Rosalinda pero nagtuloy-tuloy ako sa pagpasok sa loob. Binomba ang cellphone ko dahil sa mga messages pa rin at notif sa peacebook. May mga manliligaw akong nag-comment doon pero hep! Nag-iba bigla ang standard ko ng makita si Gov! Nasaan ang hustisya! Wala pa siyang sinasabi, natutunaw na ako! Gusto ko na iyong ganoong lalaki. Kaso imposible namang magkagusto sa akin ang tulad niya. Panigurado ang gusto noon iyong tipong magiging first lady niya! Hindi pang ganoon ang beauty ko at aminado ako doon. Mahirap magpanggap! Kaya kahit na copycat ni Gov. P'wede na sa akin. Nagpasya akong huwag na lang pumasok. Nagsabi ako na may sakit. Lintik kasi sa amin. Kapag may sakit ka required pang mag-submit ng medical certificate. Pero kung mapapatunayan na anak talaga ako ni Senyor Wilfredo at Senyora Maricar. Hindi ko na kailangan mag-submit no'n, kundi resignation letter na! Kabado ako at excited malaman ang result. Parang kailan lang iniisip ko na sana marami akong maipon ngayon dahil panay huthot sa akin si Tiya Helena. Napapagod na ko magtrabaho at kung ano-ano pa. Tapos biglang darating si Gov at may dalang magandang balita! Napangiwi ako ng tumawag si Tiya sa akin kinaumagahan. "Basta kapag napatunayan na ikaw ang anak nila. Huwag mo kaming kalilimutan, Anne! Hayup ka kapag kinalimutan mo kami. 18 years kitang pinalamon at pinag-aral kita hanggang Senior High!" Badtrip tuloy ako dahil sa tawag niya. Kaya naman pala masaya. Kasi mukhang level up ang panghihingi niya ng pera. Nakakakita ng mas malaking oportunidad. Ano ba namang buhay 'to! Panay ang tingin ko sa orasan at sa pinto. Sabi ni Gov, susunduin ako nila Senyor dito. Ano kayang itsura nila? Bakit hindi man lang pinakita ni Gov iyong sinasabi niyang parents ko. Hindi ko din nahingi ang picture. Paano nahihiya ako kay Gov. Pero hindi ka nahiya mangutang! Tinago mo pa ang 7k sa bulsa mo! Napangiwi ako sa bulong ng aking konsensya. Panigurado tulad sila ng napapanuod kong mayayaman. Iyong kutis, mala porselana. Maputi at makinis. Hindi halata ang tunay na edad at unang tingin pa lang alam mo ng mayayaman. Karamihan sa kilala kong mayaman, tahimik at iyon nga seryoso sa buhay. Hindi mahilig sa joke time. Bilang sa dailiri ang ngiti pero kapag kinausap ka naman napakabait nila. May mga naging amo kasi ako noon na may ari ng malaking shop sa Divisoria. Mayaman pero napakabait at tumitiklop ako kapag kinakausap. Sobra kasi akong nahihiya. Panay ang sipat ko sa sarili. Sinisiguradong maayos ang itsura kong haharap sa kanila. Nakakahiya kung haharap ako sa kanila na mukha akong gusgusin! Kaya sinugurado kong susuotin kong damit ay maganda. Maxi dress na bagong bili ko pa ito. Ngayon ko lang sinuot. Para bang binulungan ako ng langit na bilhin ko ito dahil magagamit ko sa pinakaespesyal na araw na ito. Napatalon ako sa gulat ng may kumatok. "Diyos ko! Ayan na yata!" sabi ko at muling sinipat ang sarili sa harap ng salamin. "Tao po." "Sandali po!" sigaw ko at nagmamadaling naglakad patungo sa pinto. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin ang lalaking naka-uniporme pa. Napakurap-kurap ako. Gumilid siya at doon ko nakita ang matandang babae at lalaki na nasa likuran pala niya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mukha ko sa matandang lalaki. Nahigit ko ang aking hininga at hindi ko maintindihan kung bakit naiiyak ako kahit wala pang resulta. Hindi na yata kailangan dahil para akong namamalik-mata! Matanda man siya pero nakikita ko ang pagkakahawig niya sa akin. Matangos at may kaputian siya. Medyo malaki din ang bibig. Ang mga mata kahulma ko din. Syempre wala lang akong wrinkles dahil bata pa. "Wilfredo, anak mo nga..." sabi ng matandang babae na kasama niya. Tulad ko ay natulala si Senyor Wilfredo. Hindi ako makagalaw at tila naestatwa sa kinatatayuan. Akala ko sa pelikula lang ang ganito. Sa totoong buhay din pala! "You're Anne, right? You look exactly like me..." Nanginginig ang boses niya maging ang mga kamay nito. Sinubukan niyang lumapit at hawakan ako. Hindi ako nakapagsalita pero nanlalabo ang aking mga mata. Bakit ganito. Iba ang pakiramdam ko. Naiiyak ako na parang hinahaplos ang puso ko lalo na ng hawakan niya. "Gosh, you don't even need DNA. I can clearly see the resemblance!" Nangatal ang labi ko ng hinawakan niya ang dalawa kong kamay. Pumikit ito ng mariin na tila kinakalma ang sarili. Unti-unting pumatak ang luha ko. Ano ba naman ito! Nahahawa ako sa matanda! Umiyak na ko kahit wala pa nga! "C-can I... can I embrace you for a minute?" sabi niya. Tumango ako pero walang salitang lumabas sa bibig ko kahit na ibinuka ko iyon. Niyakap niya ako ng mahigpit. Matangkad si Senyor. Kahit na matanda na matangkad at matikas pa rin siya. Hanggang leeg niya nga lang ako. "You are my daughter!" bulalas niya makaraan ng isang minutong pagyakap sa akin. Naabutan ko ang pasimpleng pagpunas ni Senyora Maricar sa gilid. Siya ba ang sinasabing Mama ko? Si Senyor, alam ko na siya ang tatay ko. Magkamukha kami! Hindi man lang sinabi ni Governor. Kaya pala kumbinsido na ako talaga si Anne Oraza kasi kamukha ko si Senyor! Humiwalay sa akin si Senyor at nagpunas ng luha pero bakas na ang ngiti. "Should we still go and see the result? Alam na natin ang katotohanan," sabi ni Senyora. "Marinel, I still want to get the result. Nandito na rin tayo at para wala ng ibang masabi dahil may papel na kahit sure na sure akong anak ko ito." Kumunot ang noo ko habang nagpupunas ng luha. Marinel? Akala ko si Senyora Maricar ang kasama niya. "Ikaw po ba... ang Mama ko?" tanong ko sa kanya. Ngumiti ito at umiling. "Hija, I'm your step-mom. Your biological Mom is dead. I'm Marinel, your Dad's second wife." Umawang ang bibig ko. Bakit hindi man lang ako sinabihan ni Gov! Iniisip ko pa naman si Senyora Maricar ang makilala ko dahil panay siya banggit ng name nito. Ganunpaman, may dumaang panghihinayang at lungkot sa dibdib ko na hindi ko man lang siya naabutan. Lahat kami nakaabang sa resulta. Ang galing na nailabas na agad ang result at may nakahanda na din palang sample noon pa si Senyor. Akin na lang pala ang inaantay talaga. "The probability rate is 99.9 percent. Meaning, mag-ama po kayong dalawa talaga. Anne, Senyor Wilfredo is your biological father." Napasinghap ako at natuptop ang bibig. Nanayo ang balahibo ko ng marinig iyon. Napatayo si Senyor Wilfredo at niyakap ako ng mahigpit. Tahimik siyang umiyak at ramdam ko sa yakap niya iyong higpit at takot na ako ay pakawalan. "Finally! I found my daughter! Maricar... nahanap ko na ang anak natin!" anito na tila kinakausap ang hangin habang yakap ako ng mahigpit. Wala akong masabi kundi ang umiyak na din. Sobrang bilis ng pangyayari. Umikot ng 360 degrees ang buhay ko. Mula sa 25 years na paghihirap. Biglang yaman ko. Gulat na gulat ang mga katrabaho ko na akala nila may sakit lang ako pero kinabukasan ng submit ako ng resignation. Hindi ko inamin sa kanila ang totoo. Ewan ko pero nakaramdam ako na parang ayoko na lang din sabihin sa ngayon. Agad-agad ang pag-alis ko sa apartment. Maging pag-pack ko ng gamit. Sinundo talaga ako ni Daddy kinabukasan para iuwi sa Batangas. Yes, Daddy daw itawag ko sa kanya. Nakakapanayo ng balahibo pero siguro masasanay din ako. Ni hindi pa namin kinakausap sila Tiya. Sabi ni Daddy tsaka na daw at excited siyang iuwi ako sa amin. Gusto din niya kasing makipagkwentuhan na lalo na ang tungkol sa nakaraan. "Maligayang pagdating sa Hacienda Oraza!" bati sa akin ng hindi ko mabilang kung ilang katulong ang nakahilera ang sumalubong sa akin ng pumasok kami sa main door.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD