MAS malinaw na sa paningin ko ang Hacienda Madronero. Nadaanan namin iyong sa camping site. Ipapasyal niya daw ako doon pero balak niya munang dalhin ako sa mansion para ipakita kay Lolo. Tiyak daw kasing matutuwa siya na may napasyal sa Hacienda. "Hala, nahihiya naman ako," sabi ko pagkababa ng sasakyan niya. Tinawanan lang niya ako at iginaya sa loob. Natigil sa paglalaro iyong pamangkin niya nang makita siya. Hindi na umalis sa tabi ng tito kaya napilitan na din kami isama sa taas. Nagpakita lang ako kay Senyor. Saglit lang din at umalis kami ni Senorito Charles para mamasyal na din agad. Kailangan kasi masulit iyong buong araw. Buti na lang din maaga siyang bumisita at maaga kaming nakarating sa Laguna. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang sinasabayan si Senorito Char