BUMIGAT ang pakiramdam ko at nakaramdam ng lungkot. Simula ng dumating ako dito hindi ko na nakilala ang sarili ko. Namuhay ako dahil lahat sa kagustuhan nila. Binago ko ang sarili ko para bumagay sa mundong ginagalawan ng tunay kong pamilya. Handa naman ako magbago pero bakit wala akong karapatan magreklamo? Mapagod? Magpahinga? Bakit nagmamadali silang lahat na baguhin ako. Sobrang strict dito sa mansion. Hindi tulad noong ako lang mag-isa. Kahit anong gusto kong gawin walang naninita. Natuon ang atensyon ko sa message sa akin ni Denise. Last week pa 'to at inaaya niya ako sa inuman o 'di kayya magpakita man lang dahil nalaman na nila ang totoo sa aking pagkatao. Bumuntong-hininga ako. Sabi ko i-e-entertain ko si Enzo pero hindi ko na nagawa paano kasi sobrang busy ko talaga. Nakalim