ILANG akong kumilos dahil nga nasa paligid lang si Philip. Tuwid na tuwid ang upo ko at tila ba pinapaulanan ng bala iyong likod ko. Ganoon ang pakiramdam. Nag-usap kami ni Charles. Sa una naiilang din siya pero nakuha din niyang masanay nang ilang minuto din kaming nag-uusap habang kumakain. Sayang, gusto ko sana picture-an iyong foods na dumating. Kaso hindi uso ang ganoon sa mayayaman. Iisipin pa nila na ngayon lang ako nakakain ng ganito. Kahit ba totoo iyon syempre. Kaya hinayaan ko na lang. Buti pa si Charles hindi na nailang. Ako stiff na stiff pa rin. "You're conscious with your moves. Nahihiya ka pa rin sa akin?" Natatawang tanong ni Charles. Napangisi ako. Hindi naman dahil sa kanya kundi sa nanunuod sa amin. "Medyo..." sabi ko na lang kaysa aminin ko iyong totoong dahilan.